News Release

Department of Labor and Employment

5 May 2019

 

State-of-the-art hospital for OFWs — Bello

 

The P550-million hospital for OFWs that will rise in San Fernando, Pampanga will have state-of-the-art facilities, Labor Secretary Silvestre Bello III said on Sunday.

 

Bello said the acquisition and installation of the facilities for the first-ever DOLE-OFW hospital and diagnostics center will be financed by a P150-million donation from the Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

 

The groundbreaking for the project, which will be constructed on a two-hectare property in Barangay Sindalan donated by the provincial government of Pampanga, was held on Labor Day. The building cost, estimated at P400 million, will be shouldered by Bloomberry Cultural Foundation Inc.

 

The hospital is expected to be completed in 18 months. Once operational, it will be managed by the Department of Health.

 

Bello said the hospital will provide the medical needs and services, as well as subsidy programs of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) for OFWs, their families, and dependents.

 

“This hospital is in recognition of the valuable contribution of our modern-day heroes, the overseas Filipino workers, in the growth of our economy. This will serve as among the legacies that President Duterte can leave behind for our OFWs,” Bello said.

 

OWWA Administrator Hans Leo Cacdac said a memorandum of understanding among concerned government agencies and other stakeholders for the construction and operation of the hospital is being finalized to signal the start of its construction.

“The details are not yet final and even the bed capacity, the level of medical care, such as primary, secondary and tertiary, the plantilla staffing and the budget, but we hope to construct the hospital within one and a half year, within the Duterte Administration,” Cacdac said.

 

But he added that Bloomberry officials are “now discussing these matters with their engineers and architects to commence the project.” ###

 

==============================================

 

State-of-the-art hospital para sa OFWs — Bello

 

Magkakaroon ng state-of-the-art facilities ang itatayong P550-milyong ospital para sa OFW sa San Fernando, Pampanga, pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Linggo.

 

Sinabi ni Bello na ang itatayong pasilidad para sa pinakaunang DOLE-OFW hospital and diagnostic center ay mula sa P150-milyong donasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

 

Ginanap ang groundbreaking para sa proyekto nitong Araw ng Paggawa, at itatayo sa dalawang-ektarya lupain sa Barangay Sindalan na donasyon mula sa provincial government ng Pampanga. Ang halaga ng gusali, na tinatayang aabot ng P400 milyon, ay sasagutin ng Bloomberry Cultural Foundation Inc.

 

Inaasahan na ang ospital ay matatapos sa loob ng 18 buwan, at pangangasiwaan ng Department of Health ang operasyon ng ospital.

 

Sinabi ni Bello na matatanggap ng mga OFW, kanilang pamilya at dependent ang lahat ng kanilang pangangailangang medikal at serbisyo, gayundin ang subsidy program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mula sa itatayong ospital.

 

“Ang ospital ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng ating bagong bayani, ang overseas Filipino worker, sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Ito ang isa sa magiging pamana ni Pangulong Duterte sa ating mga OFW,” ani Bello.

 

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na isinasa-pinal na ang memorandum of understanding kasama ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at iba pang kinatawan para sa pagtatayo at operasyon ng ospital upang masimulan na ang konstruksyon ng ospital.

 

“Hindi pa pinal ang lahat ng detalye pati na ang bed capacity, level ng medical care, tulad ng primary, secondary at tertiary, at plantilla staffing at ang budget, ngunit umaasa kami na maitatayo ang ospital sa loob ng isa at kalahating taon, sa loob ng panunungkulan ng administrasyong Duterte,” ani Cacdac.

 

Kanyang ring idinagdag na ang mga opisyal ng Bloomberry, “pinag-uusapan na ito ng kanilang mga engineer at architect para maumpisahan ang proyekto.” ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
21