News Release
Department of Labor and Employment
27 May 2019

SOT to guarantee workers’ constitutional right  – Bello

Closer to becoming a law, the Security of Tenure bill recently passed by the Senate will enhance the enjoyment of workers’ constitutional rights to job security, the labor department said over the weekend.

“It won’t take long before this SOT bill becomes a law. And we are grateful to our senators for taking one giant step to end ‘Endo’ and guarantee the workers’ statutory right to security of tenure,” Labor Secretary Silvestre Bello III said.

The SOT is one of DOLE’s priority legislative measures that has been certified as urgent by the President. It aims to amend the Labor Code on the prohibition of labor-only contracting and other provisions that allow contracting arrangements.

Bello has earlier enjoined concerned DOLE offices and officials to provide technical assistance as the Senate hammers out its version of the measure.

Senate Bill No. 1826 is authored and sponsored by Senator Joel Villanueva.  According to the Senator, the bill “upholds the Constitutionally-guaranteed right to security of tenure, reiterates the prohibition on labor-only contracting, and clarifies ambiguities in existing laws that have allowed employers to tiptoe around the ban.”

DOLE’S worker’s regularization drive took off in 2016 with its issuance of Department Order No. 174 Series of 2017, or the Rules Implementing Articles 106 to 109 of the Labor Code, As Amended.  It has set the groundwork for the regulation of about half a million workers already through voluntary regulation and inspection.

The department has likewise deployed volunteer inspectors coming from DOLE’s social partners as one of the strategies to assess around 900,000 establishments’ compliance with general labor standards and occupational safety and health. This is aside from beefing up of its labor laws compliance staff complement through hiring and creation of labor inspector plantilla positions to ensure the strict enforcement of labor laws, rules and regulations.

END/ GSR

===========================================================

SOT pagtitibayain ang karapatang konstitusyonal ng manggagawa – Bello

 

Dahil malapit na itong maging ganap na batas, ang Security of Tenure Bill, na kamakailan ay ipinasa ng Senado, ay magpapatibay sa karapatang konstitusyonal ng manggagawa para sa seguridad sa trabaho, ito ang tiniyak ng labor department nitong linggo.

 

“Hindi magtatagal at magiging batas na ang SOT. At kami ay nagpapasalamat sa mga senador sa ginawa nilang malaking hakbang upang wakasan ang ‘Endo’ na titiyak sa karapatan ng manggagawa para sa kanilang seguridad sa trabaho,“ ani Labor Secretary Silvestre Bello III.

 

Ang SOT ay isa sa mga pangunahing panukalang-batas ng DOLE na sinertipakahang urgent ng Presidente. Nilalayon nitong amyendahan ang Labor Code na nagbabawal sa labor-only contracting at iba pang probisyon na pinapayagan ang contracting arrangement.

 

Una nang inatasan ni Bello ang mga kinauukulang opisyal ng DOLE na magbigay ng tulong-teknikal sa pagbubuo ng Senado ng kanilang bersiyon ng panukalang-batas.

 

Si Senator Joel Villanueva ang may-akda at nag-isponsor ng Senate Bill No. 1826. Ayon sa Senador, ang batas “ay sumasang-ayon sa karapatang-Konstitusyonal para sa kasigurahan sa trabaho, at pagtitibay sa pagbabawal sa labor-only contracting, at paglilinaw sa kasalukuyang batas na ginagamit ng mga employer upang makaiwas sa pinagbabawal na labor-only contracting.”

 

Unang ipinatupad ng DOLE ang regularisasyon ng manggagawa noong 2016 sa paglalabas nito ng Department Order No. 174, Series of 2017, o ang Rules Implementing Articles 106 to 109 of the Labor Code, As Amended. Ito ang naging daan upang gawing regular ang nasa kalahating milyong manggagawa sa pagpapatupad ng voluntary regulation at inspection.

 

Nag-deploy din ng volunteer inspector ang department mula sa mga social partner ng DOLE bilang isang istratehiya sa pagtatasa sa 900,000 establisyamento kung ito ay tumutupad sa general labor standards and occupational safety and health. Nagkaroon din ng ng mga bagong labor inspector plantilla position para maragdagan ang labor laws compliance staff upang matiyak na mahigpit na naipatutupad ang mga regulasyon at batas paggawa.

 

END/ GSR/gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
72