News Release
Department of Labor and Employment
July 4, 2019

SOT bill to become a law soon – Bello

The Security of Tenure Bill (SOT), a landmark legislation that will prohibit all illegal employment schemes and subcontracting of Filipino workers is now awaiting signature by President Rodrigo Duterte, Labor Secretary Silvestre Bello III said yesterday.

Bello said he got word from the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) that the bill was enrolled on Friday and may be signed into law by the President anytime soon.

“We are anticipating the signing of the SOT Bill, which is landmark legislation under the Duterte administration. Ensuring the workers’ security of tenure is among the priorities of our President and we are hopeful that the President will soon sign the bill into law to enhance the enjoyment of their constitutional rights to job security,” he said.

The labor chief on Monday has also submitted its recommendation for the enactment of the bill, emphasizing that the legislation will clarify the ambiguities in existing laws with defined types of employment arrangements. He also said that the Congress-approved measure will strengthen workers’ security of tenure by prohibiting unlawful contracting arrangements, and provide penalties for its violations.

The Senate Bill No. 1826 or the Security of Tenure or End Endo Act of 2018, was approved on third and final reading in May and later on adopted by the House of Representatives, bypassing the needed bicameral conference.

It has been certified as urgent in September last year fulfilling the President’s promise to put an end to the prevalent practices of contractualization and labor-only contracting, that saddled a big number workers and contributed to the country’s underemployment.

The enrolled bill could lapse into law if not acted upon within 30 days after it was enrolled in Malacañang. ###AbegailDeVega

======================================================================================

Panukalang SOT malapit nang maging batas – Bello

Naghihintay na lamang na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang panukalang Security of Tenure (SOT) na naglalayong wakasan ang lahat ng pamamaraan ng iligal na pag-eempleo at pangongontrata sa mga manggagawang Filipino, pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III kahapon.

Sinabi ni Bello na nalaman niya mula sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na isinumite na noong Biyernes ang panukalang-batas at inaasahan na sa lalong madaling panahon ay mapirmahan ng Pangulo para maging batas.

“Inaasahan namin na mapipirmahan ang SOT bill, isa sa mahalagang panukalang-batas sa ilalim ng administrasyong Duterte. Ang pagtitiyak sa seguridad sa trabaho ng manggagawa ang isa sa prayoridad ng ating Pangulo at umaasa kami na pipirmahan agad ng Pangulo ang panukala upang maging batas para patatagin ang kanilang karapatang-konstitusyonal para sa seguridad sa trabaho,” aniya.

Isinumite din ng Kalihim nitong Lunes ang rekomendasyon para sa pagpapatibay ng panukalang-batas, kung saan kanyang binigyang-diin na ang nasabing panukala ang magbibigay-linaw sa kasalukuyang batas at may tiyak na depinisyon para sa mga uri ng kasunduan sa empleo. Kanya ring sinabi na ang inaprobahang panukala ng Kongreso ang magpapatibay sa seguridad ng manggagawa sa trabaho dahil ipagbabawal dito ang hindi makatarungang kasunduan sa pangongontrata, at pagpapataw ng parusa sa mga lalabag.

Ang Senate Bill No. 1826 o ang Security of Tenure o End Endo Act of 2018, ay inaprobahan sa pangatlo at pinal na pagbasa noong Mayo at sinang-ayunan ng House of Representative, kaya hindi na kinailangang sumailalim sa bicameral conference.

Sinertipikahan itong urgent ng Setyembre noong nakaraang taon bilang pagtupad sa pangako ng Pangulo na wakasan ang mga maling gawain sa kontraktuwalisasyon at labor-only contracting, na naging pabigat sa malaking bilang ng manggagawa at nakadagdag sa underemployment ng bansa.

Ang panukala ay magiging batas kung ito ay hindi maaksiyunan sa loob ng 30 araw matapos itong isumite sa Malakanyang.

###AbegailDeVega/gmea

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry