Maagang inumpisahan ng mga regional office ang pagdiriwang ng ika-83 taong pagkakatatag ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE) ngayong araw.

 

Ipinagdiriwang ng mga opisyal at kawani ang isa na namang napakahalagang taon sa kasaysayan ng DOLE katulad ng mahabang taong pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa publiko para sa patuloy na pag-unlad ng kabuhayan ng mga manggagawa, ng kanilang pamilya at komunidad.

 

Katulad ng mga nakalipas na taon, ang mga sumusunod ang mga inihandang gawain na magaganap sa buong bansa:

 

CAR: November 25 hanggang December 12–Family Welfare Program; December 2– Pagtatapos ng Family Welfare Program; December 8– Fun Run /Walk kasama ang Regional Coordinating Councils (RCCs); Zumba; Anniversary Mass; Pagkilala sa Labor Arbiter na sumulat ng Aklat; Book Title Contest; Pagkilala sa Social Partners ng DOLE para sa Lapis, Papel at Iba Pa Program; Pagkilala sa Social Partners ng DOLE para sa Child Labor Programs; Paggawad ng OWWA Scholars; Paggawad sa Program Beneficiaries ng DOLE; Pagkilala sa Social Partners; Pagkilala sa Katangi-tanging Kawani ng DOLE-CAR; December 9– Public Hearing ng Committee on Labor and House of Representatives;

 

Region I: December 15–Eucharistic Celebration; Song at Dance Competition; Paggawad ng Loyalty Awards; Raffle Draws; at Fun Games;

 

Region 2: December 7–Tree Planting; December 8–Motorcade; Eucharistic Celebration; Zumba/Hataw; Parlor Games; at Basketball Exhibition game;

 

Region 4-A: December 1 hanggang 2–DOLE 4-A General Assembly; December 6– Pagbibigay ng Tulong-Pangkabuhayan sa Quezon Provincial Offices (Municipalities ng Plaridel, Infanta at Quezon); December 7–Pagbibigay ng Tulong-Pangkabuhayan sa Batangas Provincial Office; December 14– Joint PESO and Career Guidance Advocates Capacity Building; December 15– Project Angel Tree; December 21– Gender Sensitivity Training for SRO-CARP Beneficiaries; December 22–DOLE IV-A Outreach Program at Gift Giving Activity;

 

Region 4-B: December 7– OFW Family Day; December 8– Medical Program; at Pagbibigay ng Tulong-Pangkabuhayan;

 

Region 5: November 11– Sports Fest Opening; December 3–Run for a Drug-Free Workplace; December 5–Motorcade at Opening Program; December 6– Tree Planting sa Albay Forest Park; RCC Logo Making Contest; December 7–Christmas Cheers para sa mga kabataan ng Anislag, Daraga, Albay; December 8–Holy Mass; Bicol OSCO Inauguration; Oragon Awards; December 9–Kawat Bikolnon 2016;

 

Region 6: November 28 hanggang December 5– Pre-registration ng aplikante; December 6–Thanksgiving Mass; Job Fair; December 8–Anniversary Mass;

 

Region 7: December 8– Eucharistic Celebration; Blessing at Inauguration ng VAN Dorm at Stock Room; DOLE’s Attendance Monitoring System; Orientation ng DOLE7-RCC Member Agencies ukol sa YKK Technology on Attendance Monitoring System; Boodle Fight Lunch; Pagkilala sa Social Partners ng DOLE-RCC; Pagkilala sa Karapat-dapat na Kawani; Pagtanggap ng ISO Certification ng DOLE; Paggawad ng mga Nanalo sa Sportsfest; Pagkilala sa Mr. and Ms. Sports Fest 2016; DOLE 7-RCC Got Talent; at Raffling of Door Prizes;

 

Region 8: December 8– Eucharistic Mass; Orientation on Drug-Free Workplace; Larong Lahi; December 9– Tree Planting sa Brgy. Camansihay, Tacloban City;

 

Region 9: December 8– OFW Family Day; at Job Fair;

 

Region 10: December 5–Angel Tree for Public Elementary Students; December 6– Angel Tree for Child Laborers; Alay Lakad for Persons with Disabilities; December 8– Angel Tree Project; Eucharistic Mass; Pagbasa ng Mensahe ng Kalihim ng DOLE; Fellowship; December 14 hanggang –Diskwento Caravan;

 

Region 11: December 6– GIP Culmination; December 8–Thanksgiving Mass; Psycho-social Activities (Palaro at Pagbibigay ng Regalo sa mga inabandonang bata ng mga nakakulong na magulang sa Davao City);

 

Region 12: December 5–Regional Press Conference at Turnover ng DILEEP Livelihood; December 6–OFW Reintegration Consultation Dialogue with Partners and Stakeholders; December 7–Employees and Awards Night; December 8–Thanksgiving Mass; Motorcade; DOLE 12 RCC Sports Fest; and Zumba;

 

CARAGA: December 8–Thanksgiving Mass; Larong Pinoy Contest/Parlor Games; Pagkilala sa mga DOLE Field Office na may pinakamaraming ginawang regular na manggagawa; Paggawad sa mga Pribadong Establisyamento na may mga empleyadong PWD; at Paggawad ng Tulong-Pangkabuhayan mula sa DILEEP;

 

Samantala ang DOLE Central Office, bureaus at attached agencies, kasama ang DOLE Regional Office-NCR, ay mangunguna sa malawakang pagdiriwang sa Ichikawa Hall ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) sa Quezon City ngayong Huwebes.

 

END/TDL/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry