Pangungunahan ng Department of Labor and Employment ang isinasagawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Labor Ministers’ Retreat at ang ika sampung pulong ng ASEAN Committee on Migrant Workers (ACMW) ngayong Pebrero 19 hanggang 22 sa Davao City, ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

“Isang malaking karangalan para sa amin ang mag-host ng ministerial retreat at ng pulong ng ACMW ngayong taon. Ang Pilipinas, bilang chairman ng ASEAN 2017, ay umaasang maisasakatuparan ang instrumento upang mabigyang proteksyon at mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa sa ibang bansa,” wika ni Bello.

Ang retreat ay naglalayong maging aktibo at makihalubilo ang mga ASEAN Labor minister at senior official sa mga diskusyon kung paano uusad ang pagsasapinal ng instrumento na siyang isa sa pangunahing nais rin ng Pilipinas bilang Chairman ng ASEAN ngayong taon.

Katuwang ang suporta ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang DOLE, kasama ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ay mangunguna sa mga negosasyon upang maisapinal na ang nasabing instrumento.

Ang deklarasyon, na isang makabuluhang aksyon upang mapagtuunan ng pansin ang isyu ng mga manggagawa sa ibang bansa sa mga ASEAN Region, ay nilagdaan noong Enero 13, 2007 sa ginanap na ika-12 ASEAN Summit sa Cebu.

Ang pagiging Chairman ng Pilipinas sa ASEAN 2017, kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN Regional Community, ay may temang, “Partnering for Change, Engaging the World.”

END/aldm/with reports from ILAB and POEA/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry