News Release
Department of Labor and Employment
January 1, 2020

Public warned vs bogus email solicitation

Labor Secretary Silvestre Bello III warned the public against a bogus electronic solicitation letter purportedly from the labor department and asking for monetary donations.

“This e-mail is fake and completely bogus. We encourage everyone to be vigilant and to report similar incidents to us so that we can conduct our own investigation,” Bello said.

In a memorandum, Bello said an electronic mail was received by various DOLE regional offices and attached agencies, purportedly from the DOLE Administrative Service, stating that the labor department seeks a minimum cash donation of $100 supposedly for leukemia patients and orphans.

The electronic mail, with the subject, “Donation request 2019/2020,” was sent on December 26, 2019 and used the email address [email protected] (corn, not .com).

Bello advised the public as well as the heads of DOLE offices, bureaus, attached agencies, regional offices, and Philippine Overseas Labor Offices to be vigilant and immediately report similar scams.

END/aldm

==========================================

Publiko binalaan laban sa pekeng email solicitation

Nagbabala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa publiko laban sa pekeng electronic solicitation letter na sinasabing mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at nanghihingi ng donasyon.

“Ang e-mail na ito ay peke at bogus. Hinihikayat namin ang lahat na maging mapagmatyag at ireport ang mga kahalintulad na insidente sa amin upang makapagsagawa kami ng imbestigasyon,” wika ni Bello.

Sa isang memorandum, sinabi ni Bello na ang electronic mail ay natanggap ng iba’t ibang DOLE regional office at attached agency, at umano’y galing sa DOLE Administrative Service na nagsasaad na ang labor department ay nanghihingi ng hindi bababa sa $100 na donasyong cash para umano sa mga pasyente na may leukemia at mga ulila.

Ang electronic mail na may subject na, “Donation request 2019/2020,” ay ipinadala noong Disyembre 26, 2019 at gumamit ng email address na [email protected] (.corn, hindi .com).

Inabisuhan ni Bello ang publiko, maging ang mga pinuno ng mga opisina ng DOLE, bureaus, attached agencies, regional offices, at Philippine Overseas Labor Offices na maging mapagmatyag at agad na ireport ang kahalintulad na mga panloloko.

END/aldm/ Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry