News Release
Department of Labor and Employment
13 October 2019

Public warned on fake jobs

The labor department warned jobseekers planning to work overseas on the proliferation of fake social media pages and accounts offering local and overseas job vacancies.

The alert was issued following a report received by the DOLE Information and Publication Service (IPS) from a jobseeker named ‘Mary’ who claimed to have discussed a local job opportunity with a certain Arthur Villena allegedly working at the labor department.

Mary said she got the details from a supposed ‘DOLE Job Assistance-Local and Abroad’ Facebook page bearing various posts for interested applicants for deployment in Canada, Australia, Singapore, London, and local jobs for Calabarzon and Mimaropa as nurses, caregiver, managers, restaurant staff, and others.

The page also uses the official logo of DOLE, posting pictures of trainings, and a photo of former Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Eager to grab a job and secure a slot, Mary called the certain number ‘0935-743-0054’ posted on the page and was instructed to send a P1,000 for the reservation fee through a mobile money transfer ‘Smart padala.’

After sending the payment, the alleged Arthur said he will meet with Mary at the DOLE Central Office in Intramuros, Manila to assist her for the job application. However, upon arriving at the DOLE, no one showed up and the scammer no longer answers the phone.

This prompted Mary to seek assistance and report the incident to the labor department.
Upon verification, no ‘Arthur Villena’ appeared on the official roster of employees of DOLE and the said Facebook page was found to be a fake account.

The DOLE IPS has already reported the page and coordinated with the management of Facebook to shut down the account to prevent job seekers from being victimized.

The DOLE said it has encountered numerous social media accounts and pages which publishes unauthorized local and overseas job vacancies using the logos of the labor department and the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) to illegally recruit, scam, and extort money from job seekers.

The public, particularly jobseekers, are encouraged to visit the official website of DOLE at www.dole.gov.ph, the PhilJobNet – www.philjobnet.gov.ph for local job posting, and of the POEA – www.poea.gov.ph for overseas job orders, and verify licensed and accredited recruitment agencies in the country.

#Paul Ang

========================================================


Publiko binalaan sa pekeng trabaho

Nagbigay-babala ang Department of Labor and Employment sa mga naghahanap ng trabaho ukol sa paglaganap ng mga pekeng social media page at account na nag-aalok ng trabahong lokal at sa ibang bansa.

Ang babala ay inilabas matapos makatanggap ng ulat ang DOLE-Information and Publication Service mula sa isang naghahanap ng trabaho na pinangalanang ‘Mary’ na nagsabing nakipag-usap siya para sa isang lokal na trabaho sa isang Arthur Villena na umano’y nagtatrabaho sa labor department.

Sinabi ni Mary na nakuha niya ang detalye mula sa umano’y ‘DOLE Job Assistance-Local and Abroad’ Facebook page na naglalaman ng iba’t ibang lathala para sa mga interesadong aplikante na nagnanais ma-deploy sa Canada, Australia, Singapore, London, at trabahong lokal sa Calabarzon at Mimaropa bilang nurses, caregiver, managers, restaurant staff, at iba pa.

Gamit din ng naturang Facebook page ang opisyal na logo ng DOLE, na may larawan ng mga training, at larawan ng dating Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Dahil sa kagustuhang makakuha agad ng trabaho, tinawagan ni Mary ang numerong ‘0935-743-0054’ na nakalagay sa Facebook page at inatasan na magpadala ng P1,000 para sa reservation fee sa pamamagitan ng mobile money transfer ‘Smart padala.’

Matapos maipadala ang bayad, sinabi umano ng Arthur na makikipagkita ito kay Mary sa DOLE Central Office sa Intramuros, Maynila upang tulungan siya sa kanyang aplikasyon. Gayunpaman, nang siya ay dumating sa DOLE, walang nakipagkita sa kanya at hindi na sinasagot ng scammer ang kanyang tawag.

Ito ang naging dahilan upang humingi ng tulong si Mary at isumbong ang insidente sa labor department.

Sa ginawang beripikasyon, walang ‘Arthur Villena’ sa opisyal na listahan ng empleyado sa DOLE at ang nasabing Facebook page ay isang pekeng account.

Naiulat na ng DOLE IPS ang nasabing Facebook page at nakipag-ugnayan na rin sa management ng Facebook upang isara ang nasabing account at nang hindi na muling makapang-biktima.

Sinabi ng DOLE na ilang social media account at Facebook page na ang nagpapahayag ng hindi awtorisadong trabahong lokal at sa ibang bansa gamit ang logo ng labor department at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para iligal na makapag-recruit, makapanloko, at makakuha ng pera mula sa mga naghahanap ng trabaho.

Ang publiko, partikular ang mga naghahanap ng trabaho, ay hinihimok na bisitahin lamang ang opisyal na website ng DOLE na www.dole.gov.ph, ang PhilJobNet – www.philjobnet.gov.ph para sa lokal na trabaho, at ang POEA – http://www.poea.gov.ph para sa trabaho sa ibang bansa, i-beripika ang mga lisensiyado at akreditong recruitment agency sa bansa.

#Paul Ang/gmea

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry