News Release
Department of Labor and Employment
September 11, 2022

PRC suspends “utang tagging” policy

The Professional Regulation Commission (PRC) has suspended its policy contained in Memorandum Order No. 44 which tags professionals with pending administrative cases and prevents them from renewing their PRC licenses.

Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma announced this Sunday, saying the suspension takes effect immediately.

The PRC is an attached agency of DOLE.

Resolution No. 1558, signed by PRC acting chairman Jose Cueto Jr. and commissioner Erwin Enad, was a response to the issue of ‘utang-tagging,’ raised by ACT Teachers Party-List Rep. France Castro in last week’s congressional deliberation of the DOLE budget.

Under this policy, teachers are barred by the PRC from renewing their licenses for purportedly having unpaid debts.

Laguesma expressed concern over the ‘utang tagging’ policy as it places an undue burden on professionals with pending administrative cases. “How can they pay what they borrow if they can’t work because the PRC won’t renew their licenses,” the Labor chief said.

Cueto said that while “utang tagging” is suspended, the PRC will be reviewing and conducting consultations with its various professional boards with the aim of promoting efficiency and fairness in its processes and disciplinary procedures.

Laguesma lauded the PRC for immediately responding to the issue, noting that this will provide not only teachers but also other professionals immediate relief.

While emphasizing that paying debts and professional discipline remain as paramount concerns, he also clarified that in reviewing its policy and disciplinary procedures, the PRC should focus its regulatory function on undesirable acts arising from the exercise of the professions.

Every regulation, he added, should pass the test of reasonableness and should not be used to penalize professionals simply because of their socio-economic circumstances. ### OD

=======================================================

Polisiyang “utang-tagging”, sinuspinde ng PRC 

Sinuspinde ng Professional Regulation Commission (PRC) ang polisiya nito na nakapaloob sa Memorandum Order No. 44 na tumutukoy sa mga propesyonal na may mga nakabinbing kasong administratibo na nagiging dahilan upang hindi nila ma-renew ang kanilang lisensiya sa PRC.

Ipinahayag ito ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo, at sinabing ito ay agad na magiging epektibo

Ang PRC ay isang attached agency ng DOLE.

Ang nilagdaang Resolution No. 1558 nina PRC acting chairman Jose Cueto Jr. at commissioner Erwin Enad, ay bilang tugon sa isyung ‘utang-tagging,’ na inihain ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro sa congressional deliberation sa budget ng DOLE noong nakaraang linggo.

Sa ilalim ng polisiyang ito, hindi pinapayagan ng PRC na i-renew ang lisensiya ng mga guro dahil sa diumano’y hindi pa nila nababayarang utang.

Nagpahayag ng pagkabahala si Laguesma sa polisiyang ‘utang-tagging’ dahil nagbibigay ito ng hindi nararapat na pasanin sa mga propesyonal na may mga nakabinbing kasong administratibo. “Paano sila makapagbabayad ng kanilang mga utang kung hindi sila makakapagtrabaho dahil hindi ni-renew ng PRC ang kanilang lisensiya,” saad ng Kalihim

Sinabi ni Cueto na habang suspindido  ang “utang tagging”, magsasagawa ang PRC ng pag-aaral at konsultasyon sa iba’t ibang professional boards na ang layunin ay isulong ang kahusayan at pagiging patas sa proseso at pamamaraan sa pagdidisiplina.

Pinasalamatan ni Laguesma ang PRC sa mabilis na pagtugon sa isyu, at kanyang binanggit na makapagbibigay ito ng agarang tulong hindi lamang sa mga guro kundi pati na rin sa iba pang mga propesyonal.

Habang kanyang binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabayad ng utang at propesyonal na disiplina, kanya ring nilinaw na sa pagrepaso ng mga polisiya at mga pamamaraan sa pagdidisiplina, dapat ding ituon ng PRC ang kanilang tungkuling pangregulasyon sa mga hindi kanais-nais na gawain sa pagtupad ng kanilang mga propesyon.

Ang bawat regulasyon dagdag niya, ay dapat pumasa sa pagsubok ng pagiging makatwiran at hindi dapat gamitin upang parusahan ang mga propesyonal dahil lamang sa kanilang kalagayang panlipunan at pang-ekonomiyang sitwasyon. ### OD/gmea

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry