Nagbabala na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga licensed recruitment agency at medical clinic na tumatanggap ng mga OFW, na huwag maniniwala sa mga pekeng online registration system na sinasabing pinamamahalaan ng Gulf Cooperation Council (GCC) Ministry of Health.

Sa abiso ng POEA, sinabi nitong pinasinungalingan ng Department of Health (DOH) na nag-apruba ito ng panuntunan na nanngangailangang magbayad ng registration fee na US$10 ang mga aplikante para sa kanilang Pre-Employment Medical Examination.

Pinagbawalan na rin ng DOH ang mga Medical Facilities for Overseas Workers and Seafarers (MFOWS) sa pagsali o paggamit ng nasabing online scheme.

Sa Department Circular No. 0371 na inilabas noong December 22, 2017, sinabi ng DOH na “dahil nagpapataw ng karagdagang bayad para sa online registration system sa mga aplikanteng OFW at limitado lamang sa piling DOH-accredited OFW clinic, maaari itong magamit sa ibang uri ng monopoly ng health examination service para sa mga Filipino migrant workers”.

Inabisuhan na rin ng POEA ang publiko at DOH-accredited clinics para sa mga OFW na i-report sa DOH ang anumang aktibidad kaugnay sa nasabing online registration system.

#POEA/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry