Nakapagtala ng kabuuang 10,045 bakanteng trabaho sa linggong ito ang PhilJobNet, ang internet-base job at applicant matching portal ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Batay sa iniulat na datos ni Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique R. Tutay kay Secretary Silvestre H. Bello III, ang mga bakanteng posisyon tulad ng call center agent, staff nurse, at non-formal education teacher ang ilan sa dalawampung  pinakamataas na bilang na naitalang bakanteng trabaho sa PhilJobnet.

Ayon kay Tutay, ang top 20 na trabahong mayroong naitalang pinakamataas na bakanteng ngayong linggo sa PhilJobnet ay ang: Call Center Agent (1,876), Customer Service Assistant (778), Staff Nurse (679), Non-formal Education Teacher (648), Promo Salesperson (635), Production Machine Operator (594), Sales Clerk (561), Sales Associate Professional (522), Manufacturing Laborer (495), at Waiter [general] (431).

Para sa mga naghahanap ng mapapasukan,  ang iba pang bakanteng trabaho ay ang Door-to-Door Salesperson (375), Automotive Mechanic (297), Telecommunication Specialist (297), Technical Support Staff (287), Cashier (285), Salesman (275), Service Crew (264), Retail Trade Salesman (255), Financial/Accounts Specialist (251), and Sugar Production Machine Operator (240).

Ang PhilJobnet ay isang internet-base job at applicant matching portal ng Department of Labor and Employment na naglalayong mapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga jobseekers. Ang centralized database nito ay pinamamahalaan ng Bureau of Local Employment.

Ang mga employer ay maaaring mag-imbita ng mga rehistradong aplikante para sa kanilang job interview sa kanilang itinakdang araw at maaaring ma-print ang profile ng aplikante.

Ang mga aplikante ay pwede ring mag-upload ng kanilang profile picture sa portal, maging ang mga kumpanya para sa kanilang logo at iba pang kinakailangang dokumento. Mayroon rin itong kakayahan upang maibalik o ma-reset ang mga nakaligtaang password.

Ang mga naghahanap naman ng trabaho ay pwedeng mag-apply online at makita ang mga nangungunang kumpanya na tumatanggap ng aplikante. Mas pinadali na rin ng PhilJobNet ang job matching sa pamamagitan ng paglalagay ng filter tulad ng paghahanap lamang sa kategorya ng job requirement at kuwalipikasyon ng aplikante.

Maaaring magparehistro sa PhilJobNet ang sinumang naghahanap ng trabaho kung sila ay nasa 15 taong gulang na, habang ang anumang establisimento o kumpanya na kinikilala ng mga ahensya sa bansa at may Tax Identification Number (TIN) ay maaari namang magparehistro bilang employer.

Ang serbisyo ng PhilJobNet ay libre para sa mga aplikante at establisimento. Ito ay maaring magamit sa Job Search Kiosks at sa mga tanggapan ng DOLE attached agencies at regional offices, sa mga Public Employment Service Offices (PESOs), at sa piling unibersidad sa bansa.

Para sa karagdagang bakanteng posisyon na maaaring pasukan o iba pang serbisyo para sa trabaho, ang mga jobseeker at employer ay maaaring maglog-on sa http://philjobnet.gov.ph/ o magpunta sa Bureau of Local Employment sa 6th Floor, BF Condominium cor. Solana & Soriano St., Intramuros Manila. Maaari ring silang tumawag sa PhilJobNet Hotline sa numero (632) 527-2543 Fax: (632) 527-2421.

END/ GSR/Abegail De Vega

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry