News Release
Department of Labor and Employment
5 July 2019

PH progressed in protecting workers’ rights – Bello 

The labor department took strong exception to reports citing the Philippines as one of the worst countries in the world for workers, as it maintained that Filipino workers enjoy greater protection under the Duterte administration.

Labor Secretary Silvestre Bello III on Thursday criticized the International Trade Union Confederation (ITUC) Global Rights Index 2019 placing the Philippines “as among the top 10 worst countries in the world for working people,” defending the consistent efforts of the administration in protecting the Filipino workers and their families.

“It is unfortunate that ITUC failed to see the consistent efforts of the government in protecting the welfare of the Filipino workers. To say that the country has drastically regressed in protecting the worker’s rights is a drastically one-sided finding,” Bello said.

The labor chief made clear that the cases of “violence and murder, brutal repression of public protests, and repressive laws” among workers are all allegations as the cited accusations are not officially reported as labor-related incidents.

Noting that the Philippines is unjustly vilified in the index, Bello meanwhile emphasized the genuine efforts of the government in advancing the rights and welfare of workers, including the intensified enforcement of labor laws and standard, particularly in ensuring every worker’s right to safe and humane working conditions, and to security of tenure.

He also noted the enacted landmark laws that championed the workers’ greater interest, including the Occupational Safety and Health Law, and the Expanded Maternity Leave Law, among others.

Also, DOLE is now in the process of hiring 500 additional Labor Laws Compliance Officers to complement the assessment of over 900,000 establishments across the country to ensure compliance to the general labor laws and standards.

“DOLE is not sleeping on its job and responsibility to protect the workers, in the same way that we are mandated to encourage businesses to investing more. We remain committed in providing essence to our mandate despite these unwarranted accusations that undermine the genuine efforts of the administration,” Bello said. ###AbegailDeVega

==========================================================

PH isinusulong ang karapatan ng manggagawa—Bello

Mariing itinanggi ng labor department ang ulat na nagpapahayag na ang Pilipinas ang isa sa hindi magandang bansa sa buong mundo para sa mga manggagawa, at nanindigan na mas higit na napoprotektahan ang mga manggagawang Pilipino sa ilalim ng administrasyong Duterte

Binigyang-pansin ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Huwebes ang International Trade Union Confederation (ITUC) Global Rights Index 2019 sa ulat nito na ang Pilipinas “as among the top 10 worst countries in the world for working people,”  at kanyang ipinahayag na patuloy ang pagpupunyagi ng administrasyon upang protektahan at pangalagaan ang manggagawang Pilipino at kanilang pamilya.

“Nakakalungkot na hindi nakita ng ITUC ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang protektahan ang kalagayan ng manggagawang Pilipino. Para sabihin na ang bansa ay lubhang nagpapabaya sa pangangalaga ng karapatan ng manggagawa ay isang hindi pantay na pagtingin,” ani Bello.

Binigyang-linaw ng kalihim na ang mga kaso ng “karahasan at pagpaslang, brutal na pagpapatigil sa publiko sa kanilang protesta, at mapanupil na batas” sa mga manggagawa ay pawang mga alegasyon lamang sa dahilan na ang mga nabanggit na akusasyon ay walang opisyal na ulat na may kinalaman sa paggawa ang mga insidenteng ito.

Dahil sa hindi makatarungan ang naiulat tungkol sa Pilipinas, binanggit ni Bello ang mga pagpupunyagi ng pamahalaan sa pagtataguyod ng karapatan at kalagayan ng manggagawa, kasama dito ang mas pinahigpit na pagpapatupad ng batas-paggawa, partikular ang pagtitiyak na ang bawat manggagawa ay ligtas at may maayos at makataong kondisyon sa paggawa, at may kasiguraduhan sa trabaho.

Kanya ring binanggit ang mga pangunahing batas na isinulong para sa kapakanan ng manggagawa, ilan sa mga ito ay ang Occupational Safety and Health Law, at ang Expanded Maternity Leave Law.

Kasalukuyan na ring pinoproseso ng DOLE ang karagdagang 500 Labor Laws Compliance Officers na aatasang sumuri sa mahigit 900,000 establisyamento sa buong bansa upang tiyakin na tumutupad ang mga ito sa mga pamantayan at patakaran sa paggawa.

“Hindi natutulog ang DOLE sa kanilang trabaho at responsibilidad na pangalagaan ang mga manggagawa, sa parehong paraan ng paghihikayat sa mga negosyante na mamuhunan. Ipagpapatuloy namin ang aming mga pagpupunyagi sa kabila ng mga hindi makatuwirang akusasyon na nagpapawalang-saysay sa patuloy na pagpupunyagi ng administrasyon,” wika ni Bello.

###AbegailDeVega/gmea

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry