News Release
Department of Labor and Employment
October 23, 2022

PH Hosts 27th ASEAN Labor Ministers’ meet

The Philippines is hosting the 27th ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) and Related Meetings in Manila this week, Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma announced on Sunday.

Expected to attend the meetings from October 25 to 29 are labor ministers and senior labor officials from the 10-member states of ASEAN: Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, and the Philippines.

The labor officials will also hold meetings with ASEAN Plus Three dialogue partners China, Japan and South Korea.

The DOLE Secretary, who will chair the ALMM, said that the biennial meetings serve as a major venue to identify and advance areas of regional cooperation on matters affecting labor and employment.

This year’s meetings mark a return to the face-to-face format, and will focus on the theme of moving beyond the pandemic and further promoting digitalized, inclusive and sustainable recovery and growth for workers.

Included in the agenda of the meetings is the review of the progress of various regional programs on skills development, digitalization, climate change and green jobs, industrial relations and the changing world of work, migration and social protection.

Laguesma said the meetings will also highlight the need for more effective regional responses to unemployment especially in rural communities, rising food prices, and inflation, which are now among the biggest threats to workers’ welfare and well-being in the region.

The labor ministers are expected to come up with priorities for regional actions on improving skills for employment, upgrading competency and professional qualifications standards and the delivery of technical and vocational education and training (TVET); making ICT and digitalization accessible to all, and modernizing agriculture to improve agricultural productivity, enhance food security and create new jobs.

Laguesma noted that this is the first time that agricultural modernization and food security will be among the top priorities in the ALMM agenda.

This is a good development for the Philippines as it is fully aligned with the strategic priorities of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s socio-economic agenda, Laguesma added. ###

===========================================================

Ika-27 ASEAN Labor Minister’s Meeting, gaganapin sa bansa

Magiging punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping ika-27 ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at iba pang pagpupulong na may kinalaman dito, sa Maynila ngayong linggo, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo.

Inaasahang dadalo sa mga pagpupulong mula Oktubre 25 hanggang 29 ang mga labor minister at mga senior labor official mula sa 10-member states ng ASEAN: Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.

Magkakaroon din ng pagpupulong ang mga labor official kasama ang ASEAN Plus Three dialogue partners na China, Japan at South Korea.

Ayon sa Kalihim ng DOLE, na siyang mamumuno sa ALMM, ang biennial meeting ay magsisilbing pangunahing lugar upang tukuyin at isulong ang kooperasyon ng rehiyon sa mga bagay na nakaaapekto sa paggawa at empleo.

Itinatakda ng pagpupulong ngayong taon ang pagbabalik sa face-to-face format, at  tutuon sa tema ng pagsulong laban sa pandemya, gayun din ang  higit na pagtataguyod sa digitalized, sama-sama at tuloy-tuloy  na  pag-unlad ng  mga manggagawa.

Kasama sa agenda ng mga pagpupulong ang pagrepaso sa iba’t ibang programang rehiyonal ukol sa sa pagpapaunlad ng mga kasanayan, digitalization, pagbabago ng klima at green jobs, relasyong industriyal at pagbabago sa mundo ng paggawa, migrasyon at proteksyong panlipunan.

Sinabi ni Laguesma na itatampok din sa mga pagpupulong ang mga pangangailangan para maging mas epektibo ang pagtugon ng rehiyon sa kawalan ng trabaho lalo na sa mga kanayunan, pagtaas ng presyo ng bilihin, at inflation, na kabilang na ngayon sa pinakamalaking banta sa kapakanan ng mga manggagawa sa rehiyon.

Inaasahang makabubuo ang mga labor minister ng mga prayoridad para sa regional action sa pagpapabuti ng mga kasanayan pang-empleo, pagtataas ng kakayahan at propesyonal na kwalipikasyon gayundin ang paghahatid ng technical and vocational education and training(TVET); pagkakaroon ng access ng lahat sa ICT at digitalization, modernisasyon ng agrikultura para sa pagtataas ng produksiyon, seguridad sa pagkain at paglikha ng mga bagong trabaho.

Sinabi ni Laguesma na ito ang unang pagkakataon na ang modernisasyon ng agrikultura at seguridad sa pagkain ang isa sa mga pangunahing prayoridad sa agenda ng ALMM.

Dagdag ni Laguesma na ito ay isang magandang pagbabago para sa Pilipinas dahil ito ay ganap na naaayon sa mga estratehikong prayoridad sa socio-economic agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.  ###

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry