Kasabay ng paggunita ng Mahal na Araw, pinaalalahanan ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang patakaran sa tamang pasahod sa Marso 29 (Huwebes Santo), Marso 30 (Biyernes Santo), at Marso 31 (Sabado de Gloria).

Batay sa Proclamation No. 269 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas ang labor department ng Labor Advisory No. 04 (Series of 2018) na nagtatakda ng tamang pasahod para sa mga nasabing regular at special non-working day.

Ang patakaran para sa regular holiday sa Marso 29 (Huwebes Santo) at Marso 30 (Biyernes Santo) ay ang mga sumusunod:

 Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho sa nasabing araw, dapat siyang bayaran ng 100% ng kanyang regular na sahod sa araw na iyon, ayon sa ilang kondisyon sa itinakdang patakaran at regulasyon. [(Arawang sahod + COLA) x 100%].

 Kung ang empleyado ay nagtrabaho, dapat siyang bayaran ng 200% ng kanyang regular na sahod para sa araw na iyon sa unang walong oras. (Arawang Sahod + COLA x 200%).

 Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng mahigit sa walong oras (overtime work), tatanggap siya ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x bilang ng oras na trinabaho.)

 Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang arawang kita na 200%. [(Arawang kita + COLA) x 200%] + [30% (Arawang kita x 200%).

 Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) ng regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho.)

Para sa special (non-working) day sa Marso 31 (Sabado de Gloria), dapat sundin ang mga sumusunod:

 Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang “no work, no pay” na alituntunin ang dapat ipatupad, maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sa special day.

 Kung ang empleyado ay nagtrabaho, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang trabaho. (Arawang sahod x 130%) + COLA)

 Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng mahigit sa walong oras (overtime work), dapat siyang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

 Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang kita sa unang walong oras. [(Arawang kita x 150%) + COLA].

 Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita para sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho.)

END/aldm/gmea

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2