Upang mapabilis ang pagbibigay ng DOLE ng emergency employment sa mga manggagawang–benepisaryo na naapektuhan ng natural na kalamidad, inatas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na hindi na sakop ang mga manggagawa sa pagbibigay ng personal protective equipment (PPEs) at micro-insurance, kung hindi delikado ang kanilang magiging trabaho.

Sa inilabas na Administrative Order No. 54, sinabi ni Bello na hindi na kakailanganin ang pagbibigay ng PPEs, tulad ng hat at t-shirt, at personal accident insurance sa manggagawang-benepisarsyo kung ang magiging gawain nito ay wala sa itinuturing na delikadong trabaho na nakasaad sa Rule 1013 ng Occupational Safety and Health Standards.

Isa ito sa kondisyon na dapat ibigay sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program o Emergency Employment Program (EEP).

Ang TUPAD Program o EEP ay isang tulong na ibinibigay sa mga manggagawang naapektuhan ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at pagbaha. Ito ay isang community-based package of assistance na nagbibigay ng emergency employment sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, na may minimum na 10 araw, ngunit hindi lalampas ng 30 araw, depende sa klase ng trabahong gagampanan.

Sa ilalim ng pamantayan ng ligtas at malusog na manggagawa, ang mga sumusunod ang tinuturing na mapanganib na gawain:

(1) Kung ang manggagawa ay expose sa mga delikadong contaminants tulad ionizing radiation, chemicals, fire, flammable substances, noxious components at iba pa;

(2) Kung ang trabaho ay nasa construction, logging, firefighting, mining, quarrying, blasting, stevedoring, dock work, deep-sea fishing at mechanized farming;

(3) Kung ang magiging trabaho ay sa pagawaan ng paputok o iba pang pyrotechnic products;

(4) Kung sila ay gagamit o hahawak ng power-driven o explosive powder actuated tools; at

(5) Kung ang manggagawa ay expose sa biologic agents tulad ng bacteria, fungi, viruses, protozoas, nematodes, at iba pang parasites.

END/ALDM/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry