Naglabas si Labor Secretary Silvestre Bello III ngayon ng mga panuntunan kaugnay ng pagpapatupad ng total deployment ban ng mga overseas Filipino workers sa Kuwait.

Sa Administrative Order No. 54A, sakop ng total deployment ban ang lahat ng mga manggagawa na madedeploy sa unang pagkakataon para magtrabaho sa Kuwait anuman ang kanilang kasanayan, propesyon, at uri ng trabahong papasukan.

Kaugnay pa dito, hindi naman sakop ng ban ang mga Balik-Manggagawa o ang mga OFW na nagbakasyon sa Pilipinas at babalik rin sa parehong employer upang tapusin ang kanilang kontrata pagkatapos ng kanilang bakasyon; at mga OFW na babalik sa Kuwait para sa panibagong kontrata sa kaparehong employer.

Hindi rin kasama sa ban ang mga seafarers na daraan lamang o sasakay sa Kuwait upang makabilang sa kanilang mga principal.

Samantala, ang mga Overseas Employment Certificate (OEC) na iniisyu ng POEA/POLO sa lahat ng mga Balik-Manggagawa na hindi sakop ng ban ay dapat na dumaan muna sa isang counter-checking process mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng mga manggagawa bago sila bumalik sa Kuwait.

END/Abegail De Vega/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11