Kasabay sa paggunita ng 2018 World Day for Safety and Health at Work, muling ipinahayag ng labor department ang kahalagahan ng kaligtasan at kalusugan sa trabaho, lalo na sa mga kabataang manggagawa.

Ito ang panawagan ni Labor Assistant Secretary Amuerfina Reyes noong nakaraang linggo sa ginanap na Occupational Safety and Health caravan sa Laguna Technopark Association, Inc., (LTAI) sa Biñan, Laguna.

“We all hope that the seed will grow to the point that health and safety will become a habit, a way of life…to make our people today and the generations to come truly safe and healthy,” ani Reyes, kasabay ng pagpapahayag sa tema ngayong taon, Generation Safe and Healthy. Kanyang binigyang-diin ang pangangailangan na maitanim sa isipan ng mga kabataang manggagawa ang kahalagahan ng occupational safety and health practices among the youth, dahil maaari silang maaksidente sa trabaho.

Sa ulat ng International Labour Organization (ILO), tinatayang may 541 milyong kabataang manggagawa (na may edad 15 hanggang 24) ang bumubuo sa 15 porsiyento ng labor force sa buong mundo. Mahigit sa 40 porsiyento sa kanila ang dumaranas ng non-fatal occupational injury kumpara sa mga manggagawa na nasa hustong gulang.

Ipinapalaagay na ito ay dahil sa kakulangan sa basic training, kaunting karanasan sa trabaho, at kakulangan sa paghahanda sa trabaho.

Dahil dito, ang labor department ay patuloy sa pagsisikap na ipatupad ang general labor standards at occupational safety and health standard sa lugar-paggawa.

Sa pakikipagtulungan nito sa mga organisadong manggagawa, sa mga industriya, sa ILO, at sa iba pang sektor, patuloy ang DOLE sa pagpapatupad ng iba’t ibang istratehiya upang maiparating ang kahalagahan ng occupational safety nd health-related practices sa mga kabataang manggagawa.

Dahil sa kakaibang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga kabataaang manggagawa, gumamit ang OSH caravan ng mga interactive at malikhaing gawain tulad ng e-learning na may online games, Personal Protective Equipment (PPE) exhibit, isang interactive wall ng safety warning at signage, photo exhibit, prototype exhibit, mini-theater, art exhibit, at freedom wall.

Ang gawain ay bahagi ng ILO’s [email protected] Project, isang pandaigdigang inisyatibo na naglalayong na gawing ligtas at maayos ang mga lugar-paggawa para sa mga kabataang manggagawa.

END/ aldm/gmea

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry