News Release
Department of Labor and Employment
June 13, 2021

PAMET seeks review of HCW deployment cap in US

The biggest group of medical technologists in the US is seeking a review by Philippine officials of the cap on the deployment of health care workers (HCW) to America, the labor department reported yesterday.

Labor Attaché Angela Librado Trinidad of the Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Washington D.C. said the Philippine Association of Medical Technologists (PAMET) made the request in light of the many opportunities in the United States of America.

Trinidad told a virtual forum that PAMET cited an estimated demand for 110,000 medical technologists in USA.

“We recently met with PAMET, which has chapters all over the US, to discuss their concern as their profession is included in the deployment cap. They want to know if the limit can be relaxed because they are interested in providing opportunities to their fellow medical technologists,” said Trinidad.

She said that the government respects the right of workers to labor mobility, but at the same time explained that the deployment limit was imposed by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases to make sure that the Philippines does not run out of medical professionals amid the persisting COVID-19 pandemic.

The Labor official said most of the job orders that the POLO receive are those in the healthcare industry. It is projected that in the next few years about 2.5 million nurses are needed due to a large number of retiring nurses in USA, she added.

In its jurisdiction, POLO Washington D.C. records 514,000 documented Filipino migrant workers in the eastern part of USA and 12,000 workers in Caribbean islands, with most of them located in the Cayman Islands.

Most of the job orders that the POLO receive in the eastern region are for healthcare workers while those in the Caribbean Islands are for service and tourism industry workers.

During the height of the pandemic, Trinidad said that over 2,000 OFWs have availed of the one-time P10,000 assistance under the Abot-Kamay ang Pagtulong and most of those who availed are the Filipino workers in the Caribbean.

In celebration of Philippine Independence Day and Migrant Workers’ Day, meanwhile, Labor Attaché Trinidad shared that the POLO has been conducting one-stop shop virtual consultation with OFWs on PagIbig, PhilHealth, and SSS benefits and concerns. The online sessions will be conducted on Saturdays and Sundays in the coming weeks. END/aldm

=======================================

PAMET hiniling na pag-aralan ang deployment cap para sa HCW sa US

Hinihiling ng pinakamalaking grupo ng medical technologist sa US na pag-aralan ng mga opisyal ng pamahalaan ang deployment cap para sa mga health care worker (HCW) sa Amerika, ulat ng labor department kahapon.

Ayon kay Labor Attaché Angela Librado Trinidad ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Washington D.C., naghain ng kahilingan ang Philippine Association of Medical Technologists (PAMET) dahil maraming oportunidad para sa mga healthcare worker sa Estados Unidos.

Sa isang virtual forum, sinabi ni Trinidad na ginawang batayan ng PAMET ang kakailanganing 110,000 bilang ng medical technologist sa Amerika.

“Kamakailan ay nakipag-pulong kami sa PAMET, na may mga chapter sa buong Estados Unidos, para pag-usapan ang bagay na ito dahil kabilang ang kanilang propesyon sa deployment cap. Gusto nilang malaman kung luluwagan ang itinakdang bilang dahil interesado silang magbigay ng oportunidad sa kanilang mga kapwa medical technologists,” pahayag ni Trinidad.

Sinab niya na nirerespeto ng pamahalaan ang karapatan ng manggagawa ukol sa labor mobility, ngunit kasabay nito kanyang ipinaliwanag sa nasabing pagpupulong na ang limitasyon sa pagde-deploy na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ay upang tiyakin na may sapat na mga medical professional ang Pilipinas sa gitna ng pandemyang Covid-19.

Sinabi ng Labor official na karamihan sa mga job order na natatanggap ng POLO doon ay nasa healthcare industry. Tinataya na sa mga susunod na taon ay mangangailangan ng may 2.5 milyong nurses sa Amerika dahil sa malaking bilang sa mga nurse doon ay magreretiro, dagdag niya.

Sa kanyang nasasakupan, nagtala ang POLO Washington D.C. ng 514,000 dokumentadong Filipinong manggagawa sa silangang bahagi ng Amerika at 12,000 manggagawa sa Caribbean Island, kung saan karamihan sa kanila ay matatagpuan sa Cayman Island.

Ang may pinakamaraming bilang na job order na natanggap ng POLO sa silangang rehiyon ay para sa mga healthcare worker habang sa Caribbean Island naman ay para sa manggagawa sa service at tourism industry.

Sa kasagsagan ng pandemya, sinabi ni Trinidad na mahigit 2,000 OFW ang tumanggap ng isang-beses na P10,000 na tulong-pinansiyal sa ilalim ng Abot-Kamay ang Pagtulong (AKAP) kung saan ang karamihan sa mga nakatanggap ay mga manggagawang Filipino sa Caribbean.

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at Araw ng Migranteng Manggagawa, ibinahagi ni Labor Attaché Trinidad na ang POLO ay naglagay ng isang one-stop-shop virtual consultation sa mga OFW kung saan maari silang sumangguni tungkol sa kanilang mga benepisyo gaya ng PagIbig, PhilHealth, at SSS. Isasagawa aniya ang mga online session tuwing araw ng Sabado at Linggo sa mga darating na linggo ngayong buwan ng Hunyo.  END/aldm/gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
6