News Release
Department of Labor and Employment
May 9, 2021

P6.37M in TUPAD wages benefit over 1,000 workers in Ormoc City

Ormoc City – A total of P6.37 million in wages have been recently paid to some 1,419 informal sector workers in Ormoc City as the Department of Labor and Employment continues to intensify implementation of its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

The wage payout was led by Labor Secretary Silvestre Bello III as he reiterated the department’s commitment to deliver labor and employment programs and services to the needy workers of the Eastern Visayas region and to the whole country.

“I would like to assure our partners in the local government that your labor department is working its best to deliver labor and employment services for the benefit of our dear Filipino workers,” Bello said.

Noting that the TUPAD program has been very effective in providing temporary employment opportunities for those who have lost their jobs because of the pandemic, Bello emphasized that the labor department will continue to implement the program so that more Filipinos could benefit from it.

“The TUPAD program has really helped a lot of people from different places and I am happy to see how our government through DOLE is able to bring assistance and relief to our workers amidst this pandemic,” he added.

Of the total TUPAD beneficiaries, 1,080 workers received P4,875 each as payment for their 15-day service while the remaining 339 workers were paid P3,250 each for completing a 10-day TUPAD program.

Aside from Bello, the wage payout, held last April 23 at Ormoc Superdome, was also witnessed by Labor Undersecretary Renato Ebarle. He was assisted by DOLE-RO8 Regional Director Henry John S. Jalbuena and DOLE West Leyte Field Office Head Fe A. Estrella.

Leyte 3rd District Rep. Lucy Torres-Gomez and Ormoc City Mayor Richard I. Gomez expressed their gratitude to Bello not only for his presence during the significant event but also for all the DOLE assistance given to residents of Ormoc.

TUPAD is a community-based package of assistance that provides emergency employment for displaced workers, underemployed and seasonal workers, for a minimum period of 10 days, but not to exceed a maximum of 30 days, depending on the nature of work to be performed.

Norma Rae S. Costimiano with reports from Fe A. Estrella-DOLE WLFO

###

==============================================

P6.37 M mula sa TUPAD, ipinamahagi sa 1,000 manggagawa sa Ormoc City 

Ormoc City – Umabot sa P6.37 milyong kabuuang sahod ang ipinamahagi kamakailan sa 1,419 manggagawa sa impormal na sektor sa Ormoc City ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa patuloy na pagpapalakas ng implementasyon ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pamamahagi ng sahod kasabay ng pangako na ipagpapatuloy ng kagawaran ang pagbibigay ng mga programa at serbisyong panghanapbuhay at empleo sa mga nangangailangang manggagawa sa mga rehiyon sa Silangang Kabisayaan at sa buong bansa.

“Sinisigurado ko sa ating mga katuwang sa pamahalaang-lokal na ang inyong labor department ay patuloy na magsusumikap upang maibigay sa inyo ang pinakamaayos na serbisyong panghanapbuhay at empleo para sa pag-unlad ng ating minamahal na manggagawang Filipino,” pahayag ni Bello.

Dahil sa pagiging epektibo ng programang TUPAD sa pagbibigay ng pansamantalang oportunidad sa empleo para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, sinabi ni Bello na ipagpapatuloy ng labor department ang implementasyon ng nasabing programa para mas marami pang Filipino ang makinabang dito.

“Ang programang TUPAD ay talagang nakatutulong sa maraming tao mula sa iba’t ibang lugar at masaya akong nakikita na ang pamahalaan, sa pamamagitan ng DOLE, ay nakapagbibigay ng tulong sa ating manggagawa ngayong may pandemya,” dagdag niya.

Sa kabuuang bilang ng benepisarsyo ng TUPAD, 1,080 manggagawa ang nakatanggap ng tig-P4,875 bayad sa 15-araw na pagtatrabaho samantalang 339 manggagawa naman ang tumanggap ng tig-P3,250 para sa 10-araw na trabaho mula sa programang TUPAD.

Maliban kay Bello, ang pamamahagi ng sahod, na ginanap noong Abril 23 sa Ormoc Superdome, ay sinaksihan din nina Labor Undersecretary Renato Ebarle, DOLE-RO8 Regional Director Henry John S. Jalbuena at DOLE West Leyte Field Office Head Fe A. Estrella.

Nagpahayag ng pasasalamat kay Bello sina Leyte 3rd District Rep. Lucy Torres-Gomez at Ormoc City Mayor Richard I. Gomez hindi lamang sa kanyang pagdalo sa mahalagang okasyon, gayundin sa lahat ng tulong na naibigay ng DOLE sa mga residente ng Ormoc.

Ang TUPAD ay isang tulong pang-komunidad na nagbibigay ng pansamantalang trabaho para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, underemployed at seasonal na manggagawa, na hindi bababa ng 10 araw at hindi hihigit ng 30 araw, depende sa klase ng trabahong gagawin..

Norma Rae S. Costimiano with reports from Fe A. Estrella-DOLE WLFO

###

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1