News Release
Department of Labor and Employment
November 3, 2020

OWWA scholars now young professionals 

With holistic approach in assisting Filipino migrant workers, the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) has not only addressed the welfare of OFW-members but also secures the future of their dependents through scholarships and educational assistance.

OWWA has been offering assistance through the Education for Development Scholarship Program (EDSP) and the OFW Dependent Scholarship Program (ODSP).

The EDSP is a scholarship grant amounting to P60,000 per school year to qualified dependents of active OWWA members who intend to pursue a four- or five-year baccalaureate course in any preferred college or university.

The ODSP, meanwhile, is an educational assistance amounting to P20,000 per school year to qualified dependents of active OWWA members whose salary is not more than US$600.

Among the recipients of OWWA scholarship grants, who are now young professionals, are Justine Wendell Navarez, who is a civil engineer; Myla Geronga, who recently graduated with honors; and Angelika Marie Fundal, who is a licensed teacher.

When Navarez, from Digos City, Davao del Sur availed of the EDSP in 2011, he did not just pass the qualifying examinations administered by the Department of Science and Technology (DOST), he also ranked ninth among the nationwide passers on that year. After passing the examinations, he took up Bachelor of Science in Civil Engineering at the Cor Jesu College, Digos City.

Navarez was granted with the scholarship after his father, OFW Roel Navarez came back from the Middle East after working as a construction foreman. His father opted to stay home and hitched sidelines, while most of the financial burden shifted to his mother, who is a school guidance counselor.

After passing the Civil Engineering Board Exam in 2017, Navarez worked as a part-time instructor at the Cor Jesu College of Engineering. Presently, he works as a Laboratory Engineer at Qualitest Solutions and Technologies, Inc. in Davao City.

Another EDSP scholar, Geronga, from Butuan City, Agusan del Norte, earned her degree in Business Administration major in Marketing Management at Saint Joseph Institute of Technology. She graduated Cum Laude.

Geronga’s sister, Daisy, who works as a manicurist in the United Arab Emirates, encouraged her to apply for the OWWA scholarship, because she can no longer sustain the needs of their family. They are among the ten children of a public utility jeepney driver and a housewife.

Geronga became an EDSP grantee in 2018. She was an achiever both academically and non-academically. She was a consistent Dean’s Lister and she had won several awards in the dance competitions that she had joined.

Even though she could not experience a graduation ceremony due to the COVID-19 pandemic, she expressed gratitude to OWWA and to her sister for enabling her to finish her studies.

For now, Geronga defers her job-hunting in order to take care of their mother, who was diagnosed with cancer.

Lastly, Fundal was an ODSP grantee who took up Bachelor of Secondary Education, Major in English at Capiz State University in 2013. She graduated as Cum Laude in March 2017.

After passing the Licensure Examination for Teachers (LET), Fundal was hired by the Department of Education as Teacher I at San Nicolas National High School in Tapaz, Capiz.

Armed with her passion for teaching and learning, she obtained her Master of Arts in Teaching Major in English at Filamer Christian University in June 2020 and was awarded Outstanding in Thesis Writing.

Currently, Fundal is pursuing Doctor of Education major in English Language Teaching also at Filamer Christian University.

To qualify in EDSP, the dependent-applicant must be single and not be more than 21 years old; must have an average grade of at least 80 percent and belongs to the upper 20 percent of the graduating class; and must belong to the top 400 passers in the qualifying examination conducted by the Department of Science and Technology.

Meanwhile, eligible to apply in ODSP are children of active OWWA members or siblings of unmarried OWWA members, who are single and not more than 21 years old for incoming freshmen and not more than 30 years old for those who are already enrolled in college.

They must also pass the entrance examination conducted by the state college or university in the OWWA Regional Welfare Office where the applicant intends to enrol. END/OWWA

================================================

Scholar ng OWWA, young professional na 

Hindi lamang natutugunan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kapakanan ng mga miyembrong OFW, natitiyak rin ang kinabukasan ng dependents nila sa pamamagitan ng scholarship at educational assistance nito.

Nag-aalok ang OWWA ng tulong sa pamamagitan ng Education for Development Scholarship Program (EDSP) at ng OFW Dependent Scholarship Program (ODSP).

Ang EDSP ay isang scholarship grant na nagkakahalaga ng P60,000 kada school year para sa mga kuwalipikadong dependents ng mga aktibong miyembro ng OWWA na mag-aaral ng apat o limang taong baccalaureate course sa anumang nais nilang kolehiyo o unibersidad.

Ang ODSP naman ay isang educational assistance na nagkakahalaga ng P20,000 kada school year para sa mga kuwalipikadong dependents ng mga aktibong miyembro ng OWWA na sumusuweldo nang hindi hihigit sa US$600.

Kabilang sa mga nakatanggap ng scholarship grant mula sa OWWA, at ngayon ay young professionals na, ay sina Justine Wendell Navarez, na isang civil engineer; Myla Geronga, na nakapagtapos kamakailan with honors; at Angelika Marie Fundal, na isang lisensyadong guro.

Noong si Navarez, mula sa Digos City, Davao del Sur ay nag-aplay para sa EDSP noong 2011, hindi lamang niya naipasa ang qualifying examination na pinangasiwaan ng Department of Science and Technology (DOST), tinanghal rin siya na rank 9 sa lahat ng mga nakapasa sa buong bansa sa parehong taon. Matapos pumasa sa pagsusulit, kumuha siya ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa Cor Jesu College, Digos City.

Si Navarez ay nabigyan ng scholarship matapos na ang kanyang ama na si OFW Roel Navarez ay bumalik mula sa Middle East nang magtrabaho bilang construction foreman. Pinili na lamang ng kanyang ama na manatili sa bahay at kumuha ng mga sideline, habang lahat ng mga gastusin ay pinasan ng kanyang ina na isang guidance counselor sa isang paaralan.

Matapos pumasa sa Civil Engineering Board Exam noong 2017, nagtrabaho si Navarez bilang isang part-time instructor sa Cor Jesu College of Engineering. Sa kasalukuyan, siya ay nagtatrabaho bilang isang Laboratory Engineer sa Qualitest Solutions and Technologies, Inc. sa Davao City.

Isa pang EDSP scholar si Geronga, mula sa Butuan City, Agusan del Norte, ang nagkamit ng kanyang degree sa Business Administration major in Marketing Management sa Saint Joseph Institute of Technology. Siya ay nagtapos bilang Cum Laude.

Ang kapatid ni Geronga, si Daisy, na nagtatrabaho bilang isang manicurist sa United Arab Emirates ang humikayat sa kanya upang mag-aplay para sa scholarship ng OWWA dahil hindi na niya kayang sustentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Kabilang sila sa sampung anak ng isang public utility jeepney driver at isang housewife.

Si Geronga ay naging EDSP grantee noong 2018. Nagkamit siya ng pagkilala sa parehong linya ng academics at non-academics. Siya ay isang consistent Dean’s Lister at nagwagi rin ng iba’t ibang karangalan sa dance competition na kanyang sinalihan.

Sa kabila ng kabiguan na maranasan ang isang graduation ceremony dahil sa COVID-19 pandemic, nagpahayag siya ng lubos na pasasalamat sa OWWA at sa kanyang kapatid para sa tulong upang siya ay makatapos ng pag-aaral.

Sa kasalukuyan, ipinagpaliban muna ni Geronga ang paghahanap ng trabaho upang alagaan ang kanyang ina na na-diagnose ng cancer.

Panghuli, si Fundal ay isang ODSP grantee na kumuha ng Bachelor of Secondary Education, Major in English sa Capiz State University noong 2013. Siya ay nagtapos ng Cum Laude noong Marso 2017.

Matapos pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET), si Fundal ay natanggap bilang Teacher I ng Department of Education sa San Nicolas National High School sa Tapaz, Capiz.

Dala ang kanyang dedikasyon sa pagtuturo at pagkatuto, nakuha niya ang kanyang Master of Arts in Teaching Major in English sa Filamer Christian University noong Hunyo 2020 at ginawaran ng pagkilala bilang Outstanding in Thesis Writing.

Sa ngayon si Fundal ay kumukuha ng Doctor of Education major in English Language Teaching sa Filamer Christian University.

Upang maging kuwalipikado sa EDSP, ang dependent-applicant ay dapat na single at hindi lalagpas ng higit sa 21 taong gulang; dapat na mayroong average grade na 80 percent at kabilang sa upper 20 percent ng graduating class; at dapat na makapasok sa top 400 passer sa qualifying examination na pinangangasiwaan ng Department of Science and Technology.

Samantala, maaaring mag-aplay sa ODSP ang mga anak ng mga aktibong miyembro ng OWWA o kapatid ng unmarried OWWA member, na single at hindi lalagpas sa 21 taong gulang para sa incoming freshmen at hindi lalagpas sa 30 taong gulang para sa mga naka-enroll sa kolehiyo.

Dapat rin silang pumasa sa entrance examination na isinasagawa ng mga state college o university sa mga OWWA Regional Welfare Office kung saan nais mag-enroll ng aplikante. END/OWWA/ Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
6