News Release
Department of Labor and Employment
15 June 2019

OWWA, PNA partners for OFW health promotion

The Overseas Workers Welfare Administration and Philippine Nurses Association, Inc., signed a memorandum of understanding to strengthen their partnership in promoting health and wellness of overseas Filipino workers and their families.

The ceremonial signing was led by OWWA Administrator Hans Leo Cacdac and PNA President Dr. Erlinda Palaganas during the Migrant Workers’ Day celebration at the Palacio de Maynila.

In his message, Administrator Cacdac underscored the importance of nursing as a caring profession, which is embodied by the OWWA and PNA partnership that aims to benefit not only OFW-nurses but all OFWs and their families, in general.

Labor Secretary Silvestre Bello III witnessed the MOU signing, together with OWWA Deputy Administrators Vivian Tornea and Josefino Torres, and PNA Vice Presidents Melbert Reyes and Zenaida Concepcion.

To strengthen the information dissemination campaign on health and wellness among OFWs, PNA will provide subject matter experts on the review, enhancement, and development of modules on health and wellness as part of the Pre-Departure Orientation Seminar for OFWs.

It will also co-organize the conduct of medical missions, and provide medical or psycho-social assistance for OFW-nurses and other OFWs in need.

To facilitate the assistance to OFW-nurses with welfare and legal cases, PNA will also help refer them to OWWA and its Regional Welfare Offices.

On the part of OWWA, it will strengthen its provision of programs and services to OFW-nurses and their families, such as its reintegration programs, and 24/7 helpline through the OWWA Operations Center and Hotline 1348.

It will also conduct psycho-social evaluation and counseling to OFW-nurses and their families, through OWWA partners as the need arises.

Nursing professionals is the third among the major occupation groups that are processed by the Philippine Overseas Employment Administration and are among the top members of OWWA.

END/aldm

====================================================

OWWA, PNA nag-partner para sa pangangailangang pangkalusugan ng OFW 

Lumagda ang Overseas Workers Welfare Administration at ang Philippine Nurses Association, Inc., sa isang kasunduan upang palakasin ang kanilang samahan sa pagtataguyod ng kalusugan at kagalingan ng mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at PNA President Dr. Erlinda Palaganas ang paglagda sa kasunduan sa ginanap na pagdiriwang ng Araw ng Migranteng Manggagawa sa Palacio de Maynila.

Sa kanyang mensahe, binigyang-pansin ni Administrator Cacdac ang kahalagaan ng nurse bilang propesyon, na kumakatawan sa pagkakaisa ng OWWA at PNA upang tulungan hindi lamang ang mga OFW-nurse, pati na rin ang lahat ng OFW at kanilang pamilya, sa kabuuan.

Sinaksihan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang paglagda sa kasunduan, kasama sina OWWA Deputy Administrators Vivian Tornea at Josefino Torres, at PNA Vice Presidents Melbert Reyes at Zenaida Concepcion.

Upang mapalakas ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa kalusugan at kagalingan ng mga OFW, maglalaan ang PNA ng mga dalubhasa na susuri at bubuo ng mga modules ukol sa health and wellness bilang bahagi ng Pre-Departure Orientation Seminar para sa mga OFW.

Kasama din sila sa pag-oorganisa ng medical mission, at pagbibigay ng tulong-medikal o psycho-scoial para sa mga OFW-nurses at sa iba pang OFW na nangangailangan.

Isasangguni naman ng PNA ang mga OFW-nurses na may welfare at legal case sa OWWA at sa Regional Welfare Office para sa kanilang kinakailangang tulong.

Sa bahagi naman ng OWWA, palalakasin naman nito ang pagbibigay ng programa at serbisyo sa mga OFW-nurse at sa kanilang pamilya, tulad ng reintegration program, at 24/7 helpline sa pamamagitan ng OWWA Operations Center at Hotline 1348.

Kung kinakailangan, magbibigay din ang OWWA ng psycho-social evaluation at counseling sa mga OFW-nurses at kanilang pamilya, sa pamamagitan ng mga OWWA partner.

Ang nursing professionals ang ikatlo sa major occupation group na pinoproseso ng Philippine Overseas Employment Administration at isa sa mga pangunahing miyembro ng OWWA.

END/aldm/gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry