News Release

Department of Labor and Employment

10 June 2019

 

OWWA, Facebook expand digital literacy for OFWs 

The Overseas Workers Welfare Administration, together with Facebook, announced the expansion of its digital literacy program to reach overseas Filipino workers on-site.

The program, which covers topics on digital discourse, online privacy, safety, and information literacy, aims to reach OFWs in Hong Kong, Singapore, and the Middle East.

The launching was led by Labor Secretary Silvestre Bello III, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, and Facebook’s Head of Community Affairs for Asia-Pacific, Beth Ann Lim during the Migrant Workers’ Day Celebration held at Palacio de Maynila.

In his message, Administrator Cacdac underscored how OWWA keeps up with technology to deliver its services and programs to OFWs.

“We are glad to be expanding our digital literacy program with Facebook for OFWs based in Hong Kong, Singapore, and the Middle East. Our shared vision is an empowered OFW community that would have the critical skills to vet information they find online, and consistently use privacy and safety tools available to them,” said Administrator Cacdac.

The digital literacy program for OFWs was launched during the Migrant Workers’ Day Celebration in 2018, and was initially intended for departing and returning OFWs.

On its first year of implementation, the program has trained over 140,000 OFWs on digital skills for discerning credible content online, and respectful digital discourse.

Over 600 returning OFWs were also provided online business skills training to help them find alternative sources of income.

Lim, on the other hand, assured Facebook’s continued support for OFWs and their families.

“We recognize that overseas Filipino workers depend on our platforms to stay connected to their families and everything important to them back home. Facebook will continue supporting OFWs and their families, to ensure they have a positive, safe and authentic experience on our platforms, wherever they are in the world,” said Lim.

END/OWWA

================================================

Digital literacy para sa OFW pinalawak ng OWWA, Facebook

Ipinahayag ng Overseas Workers  Welfare Administration (OWWA), kasama ang Facebook, ang pagpapalawak ng digital literacy program para maabot ang mga overseas Filipino worker na nasa ibang bansa.

Nilalayon ng programa, na may mga paksa ukol sa digital discourse, online privacy, safety, at information literacy, na maabot ang mga OFW na nasa Hong Kong, Singapore, at Middle East.

Ang paglulunsad ay pinangunahan nina Labor Secretary Silvestre Bello III, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, at Facebook Head of Community Affairs for Asia-Pacific, Beth Ann Lim sa ginanap na pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day sa Palacio de Maynila.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Administrator Cacdac kung paano sumasabay ang OWWA sa teknolohiya para maipaabot ang serbisyo at programa sa mga OFW.

“Malugod naming ipinaapaalam ang pagpapalawak ng digital literacy program gamit ang Facebook para sa mga OFW na nasa Hong Kong, Singapore, at Middle East. Ang aming pinagsamang bisyon ay ang pagpapalakas ng komunidad ng OFW na may sapat na kasanayan para suriin ang mga impormasyon na makikita nila online, at ang paggamit ng privacy at safety tool para sa kanilang kapakanan,” ani Administrator Cacdac.

Inilunsad ang digital literacy program para sa mga OFW sa ginanap na pagdiriwang ng Migrant Workers’ Day noong 2018, at unang inilaan para sa mga papaalis at umuwing OFW.

Sa unang taon ng implementasyon ng programa, mahigit 140,000 OFW ang nabigyan ng kasanayan sa digital skill upang masuri ang mga impormasyon na makikita online, at ang magalang na pakikinayam gamit ang internet.

Mahigit 600 umuwing OFW naman ang nabigyan ng pagsasanay sa online business na nakatulong sa kanilang paghahanap ng alternatibong pagkakakitaan.

Sa kabilang banda, tiniyak ni Lim na patuloy na susuportahan ng Facebook ang mga OFW at kanilang pamilya.

“Alam namin na umaasa ang mga overseas Filipino worker sa aming platform upang mapanatili ang kanilang komunikasyon sa kanilang pamilya. Patuloy na susuportahan ng Facebook ang mga OFW at kanilang pamilya, upang matiyak ang positibo, ligtas at magandang karanasan gamit ang aming platform, nasaan mang bahagi sila ng mundo,” ani Lim.

END/OWWA/gmea

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1