News Release
Department of Labor and Employment
August 10, 2021

Over 640k OFWs return home

More than 640,000 overseas Filipino workers (OFWs) have returned to the country and transported to their home provinces, the labor department said on Monday.

In a virtual briefing, Labor Secretary Silvestre Bello III reported that a total of 641,717 OFWs have been reunited with their families after undergoing the required quarantine protocols for returning OFWs while 9,000 are yet to complete the requirement.

The labor secretary thanked the Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases for shortening the quarantine requirement for returning OFWs, especially for those who are only in the country to visit their loved ones.

“Pinaiksi ang quarantine period para sa ating OFWs upang bigyan sila ng pagkakataon na makasama ng mas matagal ang kanilang pamilya,” Bello said, explaining that some returning OFWs only spend 30 days in the country and that it should not be spent mostly in quarantine.

Under the new protocol, all returning OFWs are only required to undergo a 10-day quarantine in a government-approved hotel/facility upon arrival, with RT-PCR testing required on the seventh day. If the COVID-19 test is negative, they will be allowed to go home.

Meanwhile, fully vaccinated OFWs (including travelers) will be required a 7-day quarantine, with RT-PCR testing done on the fifth day. Once tested negative, they will be transported back to their homes subject to their local government unit’s requirements.

Bello also assured that the labor department, through the Overseas Workers Welfare Administration, is continuously seeking funds to help returning OFWs, especially now that Metro Manila is under enhanced community quarantine (ECQ).

“They are the movers of the economy. Kung wala tayong workers, hindi gagalaw ang negosyo. Kapag hindi gumalaw ang negosyo, hindi rin gagalaw ang ekonomiya,” he said, emphasizing the need to protect the welfare and the well-being of all workers, including OFWs.

“Hindi natin pwedeng pabayaan ang ating mga manggagawang maaapektuhan ng dalawang linggong ECQ. Kahit papaano, dapat mabigyan sila ng kaunting ayuda,” Secretary Bello also assured.

Since the onset of the pandemic, DOLE has been providing financial assistance to displaced OFWs through its Abot Kamay ang Pagtulong Program (DOLE-AKAP) and COVID-19 Adjustment Measures Program (DOLE-CAMP).

OWWA-led Project EASE (Educational Assistance through Scholarship in Emergencies) was also launched to provide educational assistance to qualified dependents of OFWs whose employment was affected by the COVID-19 pandemic. ###

====================================

Umuwing OFW mahigit 640K

Mahigit 640,000 na mga overseas Filipino worker (OFW) ang umuwi ng bansa at inihatid sa kani-kanilang probinsiya, pahayag ng labor department nitong Lunes.

Sa isang virtual briefing, iniulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III na 641,717 OFW ang nakabalik na sa kanilang pamilya matapos sumailalim sa kinakailangang quarantine protocol para sa mga umuwing OFW habang 9,000 pa ang kinukumpleto ang kanilang quarantine.

Pinasalamatan ng labor secretary ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagpapaikli ng panahong mag-quarantine ang mga umuwing OFW lalo na sa mga bibisita lang sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Pinaiksi ang quarantine period para sa ating OFWs upang bigyan sila ng pagkakataon na makasama ng mas matagal ang kanilang pamilya,” pahayag ni Bello, at ipinaliwanag na ang ilang mga OFW ay nananatili lamang ng 30 araw sa bansa at hindi dapat ito gugulin sa quarantine.

Sa ilalim ng bagong protocol, ang lahat ng umuuwing OFW ay kinakailangang sumailalim sa 10-araw na quarantine sa mga hotel at pasilidad na inaprobahan ng pamahalaan sa kanilang pagdating, at sumailalim sa kinakailangang RT-PCR testing sa ika-pitong araw. Kung lumabas na negatibo sa COVID-19, papayagan na silang umuwi ng kanilang tahanan.

Samantala, ang mga OFW na may kumpletong bakuna (kabilang ang mga bumibiyahe) ay kinakailangan sumailalim sa 7-araw na quarantine, at sa RT-PCR testing naman sa ikalimang araw. Kapag ito ay negatibo, maaari na silang umuwi sa kanilang tahanan, batay sa kautusan ng kanilang lokal na pamahalaan.

Tiniyak din ni Bello na ang labor department, sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ay patuloy na naghahanap ng pondo upang matulungan ang mga umuuwing OFW, lalo na ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

“Sila ang nagpapatakbo ng ating ekonomiya. Kung wala tayong manggagawa, hindi gagalaw ang negosyo. Kapag hindi gumalaw ang negosyo, hindi rin gagalaw ang ekonomiya,” aniya, at kanyang binigyang-diin ang pangangailangan na protektahan ang kapakanan at kalagayan ng lahat ng ating manggagawa, kabilang ang mga OFW.

“Hindi natin pwedeng pabayaan ang ating mga manggagawang maaapektuhan ng dalawang linggong ECQ. Kahit papaano, dapat mabigyan sila ng kaunting ayuda,” pagtitiyak ni Secretary Bello.

Mula nang magkaroon ng pandemya, ang DOLE ay nagbigay ng tulong-pinansiyal sa mga OFW na nawalaan ng trabaho sa pamamagitan ng Abot Kamay ang Pagtulong Program (DOLE-AKAP) at COVID-19 Adjustment Measures Program (DOLE-CAMP).

Sa pamumuno ng OWWA, inilunsad ang Project EASE (Educational Assistance through Scholarship in Emergencies) para magbigay ng tulong-edukasyon sa mga kwalipikadong dependent ng OFW na ang trabaho o kabuhayan ay naapektuhan ng pandemyang Covid-19. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry