News Release
Department of Labor and Employment
September 19, 2021
Over 4k workers in Bicol given P50 m livelihood aid
More than 4,300 workers in Bicol Region were recently provided with livelihood assistance amounting to more than P50 million under various key programs of the Department of Labor and Employment.
In Masbate, workers from the informal sector received a total of PHP45.13 million worth of livelihood and employment assistance from the department over the past two weeks.
Some 4,010 displaced or disadvantaged workers in the province, including returning OFWs and youth interns, received under the department’s Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program financial assistance amounting to around PHP36.73 million. An additional PHP3.3 million livelihood assistance was also provided under DOLE’s pangkabuhayan programs.
Led by Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III, the DOLE team in the region also awarded 4.7 million-pesos stipend for the beneficiaries of the Government Internship Program (GIP) and nearly PHP240,000 DOLE–AKAP assistance and social benefits for OFW families.
“Ang utos ng ating Pangulo, ang kuwarta sa tao. Inyo ‘yung pera. Hindi niyo utang sa akin yan, hindi niyo ‘iyan utang sa DOLE. Iyan ay pera ninyo, dapat lang na mapunta sa inyo,” Bello told the beneficiaries as he also reminded them to take care of their livelihood programs.
Some of the worker-beneficiaries rendered 16-days work on disinfection and sanitation of public facilities, de-clogging of canals, beautification of their respective barangays, and many more.
In Camarines Sur, around 303 marginalized workers from two towns received livelihood starter kits under the DOLE Kabuhayan Starter Kits (DKSK) Program last August 21 and August 28. Regional Director Ma. Zenaida Campita facilitated the distribution of livelihood assistance.
Specifically, a total of PHP5.089 million worth of livelihood packages, that include pedicab, negosyo cart, seed capital and starter kits, were distributed to 264 recipients of Sagñay town.
About 39 buhi weavers from Barangay Sta. Justina in Buhi town also received weaving materials, tailoring and dress-making equipment amounting to a total of P500,000.
Campita said that the livelihood kits are among the DOLE Bicol’s programs in response to the impact of the Covid-19 pandemic which resulted in job displacement and loss of livelihood.
In Catanduanes, two workers received PHP65,000 as settlement claims on their separation pay and 13th month benefits from Oppo Mobile Tech and Emerald wireless Tech Inc. after raising concerns with the department through the Single Entry Approach (SEnA) Program in the said province.
The SEnA is a DOLE banner program ensuring that all complaints first go through a 30-day mandatory conciliation and mediation period to exhaust possible means towards a fair settlement, before they are referred for arbitration.
Jona Torzar, a seven-year-employee of OPPO Mobile Tech, extended her gratitude to the department.
“Maraming salamat po sa DOLE dahil natulungan po akong makakuha ng separation at 13th month pay sa dati kong pinagtatrabahuhan. Malaking tulong po ito sa aming pang araw araw na gastusin,” she said. ###
============================================================
Mahigit 4k manggagawa sa Bicol tumanggap ng P50M tulong-pangkabuhayan
Higit sa 4,300 manggagawa sa Bicol Region ang nabigyan kamakailan ng tulong-pangkabuhayan na nagkakahalaga ng mahigit P50 milyon sa ilalim ng iba’t-ibang mga pangunahing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa Masbate, ang mga manggagawa mula sa impormal na sektor ang nakatanggap ng kabuuang PHP45.13 milyong halaga ng tulong pangkabuhayan at empleo mula sa kagawaran sa nagdaang dalawang linggo.
May 4,010 manggagawang nawalan ng trabaho mula sa lalawigan, kasama na ang mga umuwing OFW at kabataang intern, ang tumanggap ng tulong-pinansiyal mula sa programa ng kagawaran na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na nagkakahalaga ng PHP36.73 milyon. Ipinagkaloob din ang karagdagang PHP3.3 milyon mula sa programang pangkabuhayan ng DOLE.
Sa pangunguna ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III, iginawad din ng DOLE sa nasabing rehiyon ang P4.5 milyong-piso para sa benepisaryo ng Government Internship Program (GIP) at halos PHP240,000 benepisyo na para naman sa mga pamilya ng OFW mula sa DOLE–AKAP.
“Ang utos ng ating Pangulo, ang kuwarta sa tao. Inyo ‘yung pera. Hindi niyo utang sa akin yan, hindi niyo ‘iyan utang sa DOLE. Iyan ay pera ninyo, dapat lang na mapunta sa inyo,” pahayag ni Bello sa mga benepisaryo habang kanyang pinaalalahanan din ang mga ito na alagaan ang kanilang mga programang pangkabuhayan.
Ilan sa mga manggagawang-benepisaryo ay nagtrabaho ng 16-araw para sa pagdidisimpekta at paglilinis ng mga pampublikong pasilidad, paglilinis ng mga kanal, pagpapaganda ng kani-kanilang barangay, at marami pang iba.
Sa Camarines Sur, may 303 manggagawa mula sa dalawang bayan ang nakatanggap ng pangkabuhayan starter kit sa ilalim ng programang DOLE Kabuhayan Starter Kits (DKSK) noong Agosto 21 at Agosto 28. Pinangasiwaan ni Regional Director Ma. Zenaida Campita ang pamamahagi ng tulong-pangkabuhayan.
Partikular, 264 mula sa bayan ng Sagñay ang tumanggap ng kabuuang PHP5.089 milyong halaga ng pangkabuhayan package, kasama ang pedicab, negosyo cart, seed capital at starter kits.
Humigit-kumulang 39 manghahabi ng buhi mula sa Barangay Sta. Justina sa bayan ng Buhi ang tumanggap ng materyales sa paghabi, pananahi, at mga kagamitan sa paggawa ng damit na umabot sa kabuuang P500,000.
Sinabi ni Campita na ang mga pangkabuhayan kit ay kabilang sa mga programa ng DOLE-Bicol bilang tugon sa epekto ng pandemyang Covid-19 na nag-resulta sa pagkawala ng trabaho at kabuhayan.
Samantala sa Catanduanes, dalawang manggagawa ang nakatanggap ng P65,000 para sa kanilang separation pay at 13th month benefit mula sa Oppo Mobile Tech and Emerald Wireless Tech Inc. matapos nilang ihain ang kanilang hinaing sa kagawaran sa pamamagitan ng programang Single Entry Approach (SEnA) sa nasabing lalawigan.
Ang SEnA ay isang pangunahing programa ng DOLE na tumitiyak na lahat ng mga reklamo ay dadaan muna sa 30-araw mandatory conciliation at mediation period para maisagawa muna ang lahat ng posibleng paraan tungo sa isang patas na pagkakasundo, bago ito i-refer para sa arbitrasyon.
Ipinaabot ni Jona Torzar, pitong-taon empleyado ng OPPO Mobile Tech, ang kanyang pasasalamat sa kagawaran.
“Maraming salamat po sa DOLE dahil natulungan po akong makakuha ng separation at 13th month pay sa dati kong pinagtatrabahuhan. Malaking tulong po ito sa aming pang araw araw na gastusin,” aniya. ###