News Release
Department of Labor and Employment
July 26, 2020

Over 100k OFWs sent home

More than 106,200 overseas Filipino workers repatriated by the government amid the coronavirus pandemic have been transported to their home provinces, the labor department reported on Sunday.

The latest batch of 2,246 home-bound OFWs, who tested negative for COVID 19, took their rides back to their respective provinces on July 25, DOLE’s Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) data showed.

In May, over 34,000 OFWs were transported home, and additional 72,000 more were ferried in the succeeding months.

With the surge in the number of returning OFWs, Labor Secretary Silvestre Bello III said the government will exhaust all means to help OFWs regain jobs they lost abroad due to the pandemic.

DOLE has developed a tracking system, the OFW Assistance Information System (OASIS), to facilitate orderly and smooth repatriation and assistance to returning OFWs and outbound workers.

Aside from transportation assistance, OWWA, in coordination with other agencies, Philippine recruitment agencies (PRAs), and licensed manning agencies (LMAs), provides food, hygiene kits, and accommodation to returning OFWs.

This developed as DOLE said it has already exceeded the 250,000 OFW beneficiaries of the P2.5-billion emergency fund for Covid 19 affected migrant workers.

Latest reports from DOLE’s overseas offices and OWWA showed that 254,846 requests for assistance under the Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program had been approved, with 214,619 OFWs already receiving the emergency aid.

AKAP is one-time cash assistance of $200 or P10,000 for onsite and repatriated OFWs affected by the pandemic. About 554,966 migrant workers have sought the government cash aid.

The labor department has so far disbursed P2.232 billion of the P2.5-billion program fund as of July 21. It has requested an additional P2.5 billion in order to service the needs of more OFWs seeking assistance. -###

====================================================

Mahigit 100K OFWs napauwi

Mahigit 106,200 overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi sa kani-kanilang probinsya ng pamahalaan sa gitna ng pandemyang coronavirus, ulat ng labor department nitong Linggo.

Ang pinakahuling batch na 2,246 umuwing OFWs, na negatibo sa Covid-19 ay bumalik sa kani-kanilang probinsiya nitong Hulyo 25, batay sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nitong Mayo, mahigit 24,000 OFWs ang naiuwi, at karagdagang 72,000 pa ang nakauwi ng mga sumunod na buwan.

Sa pagtaas ng bilang ng mga umuwing OFW, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang tulungan ang mga OFW na maibalik muli sa trabahong nawala sa kanila dulot ng pandemya.

Nagbuo ang DOLE ng tracking system, ang OFW Assistance Information System (OASIS), upang gawing mabilis at maayos ang pagpapauwi at pagbibigay ng tulong sa mga umuuwing OFWs at mga paalis na manggagawa.

Maliban sa transportasyon, ang OWWA, sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya, Philippine recruitment agencies, at licensed manning agencies, nagbibigay din sila ng pagkain, hygiene kits, at pansamantalang matutuluyan ng mga umuuwing OFW.

Binuo ito ayon sa DOLE ng humigit na sa 250,000 OFW-beneficiaries ng P2.5 billion emergency fund para sa mga migranteng manggagawa na naapektuhan ng Covid-19.

Makikita sa pinakahuling ulat mula sa overseas office ng DOLE at OWWA, tumanggap ng 254,846 request for assistance sa ilalim ng programang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) ang naaprubahan, kung saan 214,619 OFW na ang nakatanggap ng emergency aid.

Ang AKAP ay tulong-pinansiyal na $200 o P10,000 at isang beses lamang matatanggap ng mga OFW na nasa ibang bansa o iyong mga umuwi na dahil sa pandemya. May 554,966 migranteng manggagawa na ang humiling ng tulong-pinansiyal mula sa pamahalaan.

Nitong Hulyo 21, naipamahagi ng labor department ang P2.232 bilyon mula sa P2.5 bilyong pondo ng programa. Humiling na rin ito ng karagdagang P2.5 bilyon para sa pangangailangan ng mga OFW na humihiling pa ng tulong. /END

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry