News Release
Department of Labor and Employment
June 18, 2020

OFWs home in 5 days–DOLE

The labor department yesterday vowed to bring repatriated overseas Filipino workers (OFWs) to their respective homes with dispatch.

During the send-off ceremony for some 200 migrant workers at the Paranaque Integrated Exchange (PITX), Labor Secretary Silvestre Bello III said the government will make sure the OFWs reach their places of origin within three to five days upon their arrival in the country.

‘In compliance with President Duterte’s order to facilitate the swift return of our displaced workers from abroad to their families, we are now sending them home in just five days maximum after they reach our ports, Bello said during the event attended by top government officials led by Sen. Richard ‘Dick’ Gordon who also heads the Philippine Red Cross.

The Philippine Red Cross is in charge of the swab testing program for OFWs who lost their jobs because of the pandemic.

Gordon lauded DOLE for its relentless campaign to assist the migrant workers affected by the lockdowns abroad to contain the spread of Covid 19.

The senator said he has high respect for public executives with so much concern for OFWs. ‘I know Secretary Bebot. He has a big heart for our migrant workers,” Gordon said.

The 300 OFWs at PITX are part of some 12,000 migrant workers who went through the faster and more convenient registration, testing and transport process adopted by DOLE to provide them timely and appropriate service.

Bello said an average of 200 to 300 OFWs daily are sent home to their provinces via the fast-tracked system.

As of yesterday, a total of 53,000 repatriated OFWs have been reunited with their families.

Bello said they will continue to upgrade government service to migrant workers as more of them are seen to be repatriated in the future. ###

======================================

Mga OFW makakauwi sa loob ng 5 araw – DOLE

Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mabilis at maayos na pagpapauwi ng mga repatriated overseas Filipino worker (OFW) sa kani-kanilang mga residensiya.

Sa isinagawang send-off ceremony para sa 200 migranteng manggagawa sa Paranaque Integrated Exchange (PITX), sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na titiyakin ng gobyerno na makauwi sa kanilang mga bayan ang mga OFW sa loob lamang ng tatlo hanggang limang araw matapos ang kanilang paglapag sa bansa.

‘Bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Duterte na pabilisin ang pagpapauwi sa kanilang mga pamilya ng mga displaced na manggagawa mula sa ibang bansa, titiyakin nating sila ay mapauwi at makarating sa mga paliparan at daungan sa loob lamang ng limang araw, wika ni Bello sa ginanap na aktibidad na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan na pinangunahan ni Sen. Richard ‘Dick’ Gordon, na siya ring namumuno ng Philippine Red Cross.

Ang Philippine Red Cross ay ang namamahala ng swab testing program para sa mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Pinuri ni Gordon ang DOLE dahil sa walang sawa nitong kampanya upang tulungan ang mga migranteng manggagawa na apektado ng mga lockdown sa ibang bansa upang maiwasan ang pagkalat ng Covid 19.

Sinabi rin ng senador na mataas ang respeto niya sa mga opisyal ng pamahalaan na mayroong malasakit sa mga OFW. ‘Alam ko na si Secretary Bebot ay mayroong malasakit at pagmamahal sa ating mga migranteng manggagawa,” ayon kay Gordon.

Ang 300 OFW sa PITX ay kabilang sa 12,000 migranteng manggagawa na dumaan sa pinabilis na proseso ng registration, testing at transport na hakbangin ng DOLE upang makapagbigay ng naaayon at mabilis na serbisyo.

Dagdag pa ni Bello na mayroong average na 200 hanggang 300 OFW kada araw ang napapauwi sa kanilang mga probinsiya sa tulong ng mas pinabilis na sistema.

Sa pinakahuling datos nitong Hunyo 17, may kabuuang 53,000 na OFW ang napauwi at nakabalik na sa kanilang mga pamilya.

Sinabi ni Bello na patuloy sila sa paglinang ng serbisyo na ibinibigay ng pamahalaan para sa mga migranteng manggagawa kasunod ng inaasahang pagdami ng mga mare-repatriate sa mga susunod na araw. #Paul Ang

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
16