News Release
Department of Labor and Employment
22 November 2019


OFWs’ global competency hailed

Aside from aiding the country’s economic growth, Labor Secretary Silvestre Bello III hailed the overseas Filipino workers’ significant contribution in promoting the image of the Filipinos as competent, dignified and responsible workers around the globe.

Bello made the statement during the celebration of the 30th Founding Anniversary of the Bagong Bayani Foundation Inc. (BBFI) at the AMOSUP Convention Hall, Intramuros, Manila.

“We regard your Foundation as our valuable partner in giving due recognition to the OFWs not only for beefing up the economy through their dollar remittances. More so, through their significant efforts in promoting the image of the Filipino as dignified, competent, and responsible workers around the globe,” Bello said.

The foundation spearheads the conduct of the Bagong Bayani Awards that recognize and pay tribute to the OFWs for their significant efforts in fostering goodwill worldwide and for their outstanding contribution to the socio-economic development of the country.

With the proposed creation of the Department of Overseas Filipino Workers, the DOLE chief assured continuous commitment to promoting the safety and welfare of the OFWs.

“Our relentless campaign in taking care of the OFWs, our bagong bayani, as well as that of their families will not cease. These are the orders from our President. That’s how much he loves our modern-day heroes,” Bello added.

From its establishment in 1989, the foundation has conferred various recognitions to more than 35 exemplary individuals which excel in the field of culture and arts, community and social services, and those outstanding employees on their respective jobs. #Paul Ang

=========================================================

Husay ng OFW sa mundo, pinuri

Maliban sa ambag sa paglago ng ekonomiya, pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga overseas Filipino worker dahil sa natatangi nitong kontribusyon sa pagpapalaganap ng magandang imahe ng mga Pilipino na may angking husay at mga responsableng manggagawa sa buong mundo.

Ginawa ni Bello ang pahayag sa ginanap na pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng Bagong Bayani Foundation Inc. (BBFI) sa AMOSUP Convention Hall, Intramuros, Manila.

“Kinikilala namin ang inyong foundation bilang katuwang namin sa pagbibigay pugay sa ating mga OFW hindi lamang sa kanilang ambag sa paglago ng ekonomiya dahil sa kanilang dollar remittance. Ito ay dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa pagpapalaganap ng magandang imahe ng mga Pilipino na mahusay at responsableng mga manggagawa sa buong mundo,” wika ni Bello.

Pinangungunahan ng foundation ang Bagong Bayani Awards na kumikilala at nagbibigay pugay sa mga OFW dahil sa kanilang ambag at natatanging handog sa aspeto ng socio-economic development ng bansa. Kasunod ng panukalang pagbuo ng isang Department of Overseas Filipino Workers, tiniyak ng kalihim ang patuloy na kampanya upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFW.

“Hindi kami titigil sa aming kampanya na pangalagaan ang ating mga OFW, ang ating mga bagong bayani, kabilang ang kanilang mga pamilya. Utos ito ni Pangulong Duterte. Ganyan niya kamahal ang ating mga bagong bayani,” dagdag pa ni Bello.

Mula sa pagkakatatag nito noong 1989, ang foundation ay nakapagbigay ng iba’t ibang pagkilala sa higit 35 natatanging indibidwal sa larangan ng kultura at sining, community and social services, at ang mga natatanging empleyado sa kani-kanilang mga trabaho.  #Paul Ang

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry