Nakitaan ng Court of Appeals ng paglabag sa kontrata ang foreign employer ng isang overseas Filipino worker (OFW) at inatasan ito na bayaran ang sahod na hindi pa natatanggap ng manggagawa.

 

Sa pinakahuling desisyon, pinawalang-saysay ng Court of Appeals ang petisyon na inihain ng International Hospital (IH) ng Bahrain laban sa Department of Labor and Employment at sa Philippine Overseas Employment Administration dahil sa pagdeklara nito na hindi tumupad ang foreign employer sa kasunduan kay Joselino Caraos.

 

Inatasan ng gobyerno ang IH na bayaran ang obligasyon nito kay Caraos, ngunit sa halip na bayaran inilapit nila sa korte ang kaso upang pigilan ang DOLE at POEA na kolektahin ang kabayaran para kay Caraos.

 

Mula noon tumigil na ang nasabing OFW sa kanyang pagtatrabaho bilang assistant pediatrics sa International Hospital dahil sa kakulangang-pinansiyal na suportahan ang kanyang pamilya dahil hindi ibinibigay ng employer ang kanyang sahod at iba pang benepisyo.

 

Inimbestigahan ng POEA ang reklamo ni Caraos laban sa Bahrain hospital at napatunayan na hindi ito tumutupad sa kontrata sa pagbibigay ng sahod sa tamang oras.

 

Bilang depensa, sinabi ng International Hospital na naghain ng kaso si Caraos upang pigilan ang kasong ihahain laban sa kanya sa hindi niya pagtapos sa kanyang kontrata. Pagkatapos nito sila ay nagtuloy sa Court of Appeals upang pigilan ang gobyerno na ipagpatuloy ang kaso laban sa kanila.

 

Nitong Marso ng taong ito, pinawalang-saysay ng korte ang petisyon ng International Hospital at itinuloy ang pagpapasiya batay sa parehong procedural at substantive grounds.

 

Sa kanyang pagpapasiya, sinabi ng Korte “… we fail to find any grave abuse of discretion on the part of the DOLE which would authorize this appellate court to substitute its own ruling over that of DOLE. There was ample evidence to support the findings of the said administrative agency.”

 

Sa tulong-legal ng DOLE, malapit nang matanggap ni Caraos ang mga hindi nabayarang sahod at iba pang monetary claim sa pamamagitan ng legal na proseso ng conciliation at mediation.

 

END/ Abegail De Vega/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry