News Release

Department of Labor and Employment

2 April 2019

 

OFW concerns? Call hotline 1348

 

For faster and more responsive service to the overseas Filipino workers (OFW), the Department of Labor and Employment – Overseas Workers Welfare Administration launched Hotline 1348 in partnership with ePLDT Inc.

 

Hotline 1348 will attend to client calls requesting assistance on various OWWA programs, services, and benefits including issues on employment contracts, repatriation assistance, and other OFW-related queries and concerns.

 

“With the Hotline 1348, clients can easily reach the OWWA 24/7 Operations Center that is responsible for monitoring and endorsing OFW-related concerns to appropriate OWWA offices or government agencies for immediate action. This is our way of adhering to President Rodrigo R. Duterte’s mandate to improve government programs and services for our OFWs and their families,” said Labor Secretary and OWWA Board of Trustees Chair Silvestre H. Bello III.

 

The Hotline 1348 is available 24/7, Monday to Sunday, including holidays.

 

Clients will simply dial 1348 using landline or mobile phone.

 

For clients outside Metro Manila, they may dial (02) 1348 while international clients may dial 0632-1348.

 

“We want the OFWs, their families, and the public to be able to connect with OWWA with as much ease as possible. Thus, our Hotline 1348 is staffed by dedicated live agents trained to respond to calls, provide information, and gather requests for assistance from our clients,” said OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac.

 

In addition to the partnership, Smart, which is also under PLDT, will be providing free 30-minute WiFi services to OFWs visiting or transacting business within the OWWA building.

 

The hotline launching coincided with OWWA’s culminating activity for the Women’s Month on March 29, 2019, at Ayuntamiento de Manila in Intramuros.

 

END

 

========================================================

 

May tanong ukol sa overseas employment? Tawag na sa hotline 1348

 

Upang paigtingin ang serbisyo para sa mga overseas Filipino worker (OFW), naglunsad ang Department of Labor and Employment – Overseas Workers Welfare Administration (DOLE – OWWA) ng Hotline 1348 sa pakikipagtulungan sa ePLDT Inc.

 

Ang Hotline 1348 ay magbibigay ayuda sa mga tawag kaugnay sa iba’t ibang programa ng OWWA, mga serbisyo at benepisyo, kabilang ang mga isyu sa employment contract, repatriation assistance, at iba pang OFW-related queries at concerns.

 

“Sa pamamagitan ng Hotline 1348, mas madali nang makipag-ugnayan sa OWWA 24/7 Operations Center na responsable sa pag-monitor at pag-endorso ng mga OFW-related concern sa naaayon na sangay ng OWWA o iba pang ahensya ng pamahalaan upang agaran itong maaksyunan. Isa ito sa pamamaraan namin upang tuparin ang mandato ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na iangat ang mga programa at serbisyong ibinibigay sa mga OFW at sa kanilang mga pamilya,” ayon kay Labor Secretary at OWWA Board of Trustees Chair Silvestre H. Bello III.

 

Maaaring tumawag sa Hotline 1348 ng 24/7, mula Lunes hanggang Linggo, kabilang ang mga holiday.

 

Kailangan lamang na i-dial ang 1348 sa landline o mobile phone.

 

Para sa mga nasa labas ng Metro Manila, maaari nilang i-dial ang (02) 1348 habang para sa mga kliyente sa ibang bansa naman ay i-dial ang 0632-1348.

 

“Nais namin na ang mga OFW, at kanilang pamilya, maging ang publiko ay mabilis na makipag-ugnayan sa OWWA. Kaya naman inilunsad namin ang Hotline 1348 na mayroong mga tauhan na sinanay na tanggapin ang inyong mga tawag, magbigay ng impormasyon at mangalap ng request for assistance,” wika ni OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac.

 

Dagdag pa rito, sa pakikipagtulungan ng Smart, na nasa ilalim rin ng kumpanyang PLDT, ay magbibigay ng libreng 30-minutong WiFi service sa mga OFW na magtutungo o may aasikasuhing mga papeles sa loob ng OWWA building.

 

Ang paglulunsad ng hotline ay kasabay na rin ng pagtatapos na aktibidad ng OWWA para sa selebrasyon ng Women’s Month noong Marso 29, 2019, sa Ayuntamiento de Manila sa Intramuros.

 

#OWWA/ Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
16