The Department of Labor and Employment (DOLE) has ordered Nutri-Asia Incorporated (NAI) to regularize 80 workers of one of its contractors after it was found to be engaged in labor-only contracting arrangement with AsiaPro Multi-Purpose Cooperative (AMPC).

Article 106 of the Labor Code defines an arrangement to be labor-only contracting when the contractor does not have substantial capital or investment, and the employees recruited and placed are performing activities which are directly related to the main business of the principal regardless of where the activities are performed.

Based on the order issued by Director Zenaida Angara-Campita of the DOLE regional office 3 last June 25, AMPC was has no capacity to procure its own equipment and machinery because it leases the said tools from NAI.

The labor inspectors also noted that AMPC did not solely exercise control and supervision on the performance of its workers under the job or work contracted out. They also noted that AMPC workers are engaged in quality control and research and development which are all directly related to NAI’s main business.

Hence, DOLE ordered AMPC to cease and desist from further engaging in contracting activities.

Meanwhile, NAI’s four other contractors, B-Mirk Multi-Purpose Cooperative (BMPC), Fast Services Corporation, Bison Security and Investigation Agency, City Service Corporation, and Manchester Engineering, were found to be generally compliant with labor laws.

In particular, BMPC was found to be compliant with general labor standards after submitting proof of compliance and refunding the unauthorized deductions for uniforms from 519 workers’ salary amounting to P806,353.11 on March 15, 2018. BMPC also addressed its gaps in Occupational Safety and Health Standards.

The BMPC also established a substantial capital and paid-up capital share amounting to P13,294,534 with current assets of P22,616,253 as of December 2017, and owns investment tools, equipment, and machinery which are directly used by its workers to perform the contracted work for NAI.

END/Paul Ang

=====================================================

Nutriasia, inatasang iregular ang 80 manggagawa

Iniutos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Nutri-Asia Incorporated (NAI) na gawing regular ang 80 manggagawa nito sa isang kontraktor matapos na mapatunayang sangkot ito sa iligal na kasunduang labor-only contracting sa Asia Pro Multi-Purpose Cooperative (AMPC).

Isinasaad sa Article 106 ng Labor Code na ang labor-only contracting ay isang kasunduan sa kontraktor na walang sapat na kapital o investment, at ang mga empleyado nito na itinalaga sa isang kumpanya ay nagtatrabaho ng mga gawaing mayroong direktang kaugnayan sa pangunahing negosyo ng principal na kumpanya.

Batay sa kautusan na inisyu ni Director Zenaida Angara-Campita ng DOLE Regional Office 3 noong Hunyo 25, ang AMPC ay walang kapasidad na bumili ng sarili nitong mga kagamitan, equipment at makina dahil umuupa lamang ito sa NAI.

Iniulat rin ng mga labor inspector na ang AMPC ay walang kontrol o supervision sa trabahong ginagawa ng mga manggagawa sa ilalim ng kontratang napagkasunduan. Nakasaad rin sa ulat na ang mga manggagawa ng AMPC na nakatalaga sa quality control at research and development ay mayroong direktang kaugnayan sa pangunahing negosyo ng NAI.

Dahil rito, inutusan ng DOLE ang AMPC na tumigil sa iligal na gawain at pinagbawalang makipagkasundo sa anumang pangongontrata.

Samantala, ang apat pang kontrator ng NAI tulad ng B-Mirk Multi-Purpose Cooperative (BMPC), Fast Services Corporation, Bison Security and Investigation Agency, City Service Corporation, at Manchester Engineering, ay napatunayang sumusunod sa mga batas paggawa.

Partikular rito ang BMPC na napatunayang sumusunod sa general labor standards matapos na magsumite ng proof of compliance at pagbabalik ng mga unauthorized deduction sa sahod para sa uniporme ng 519 na manggagawa na nagkakahalaga ng P806,353.11 noong Marso 15, 2018. Tinugunan na rin ng BMPC ang mga kakulangan nila para sa Occupational Safety and Health Standards.

Nakapagpakita rin ang BMPC ng sapat na kapital at paid-up capital share na nagkakahalaga ng P13,294,534, may kasalukuyan silang asset na P22,616,253 nito lamang Disyembre 2017, at mayroon rin silang sariling kagamitan, at makina na ginagamit ng mga manggagawa sa trabahong naikontrata sa NAI.

END/Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1