News Release
Department of Labor and Employment
June 30, 2020

No to use of OFW funds for aid – Bello

Labor Secretary Silvestre Bello III on Tuesday rejected calls for the use of the trust fund being managed by the Overseas Workers Welfare Administration to provide for the emergency needs of displaced and repatriated Filipino migrant workers.

“They are sending us more than $30 billion a year. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, for once, pay back naman tayo. ‘Wag nating galawin yung pera nila,” Bello said.

The OWWA has asked for a P5 billion supplemental budget from Congress to prolong its fund’s sustainability as it warned of a “largely looming” bankruptcy should it continue to spend for the food, accommodation and transportation of repatriated workers beyond 2021.

At a Senate hearing last week, OWWA chief Hans Leo Cacdac said the agency’s P18.79-billion fund is expected to be reduced to P10 billion by the end of this year, and plunge below P1 billion by the end of 2021 should OFWs continue to be displaced and repatriated.

The OWWA has so far spent more than P800 million for repatriation, accommodation and cash assistance to Covid 19 affected returning OFWs, Cacdac said.

Bello said OWWA funds should just be spent more for its members’ needs, such as livelihood or if they plan to put up businesses and for their children’s education.

“Dapat gobyerno ang magbigay ng pera para matiyak natin na lahat ng kailangan ng ating mga OFW ay matugunan natin… Bakit naman, for the first time na hihingi naman sila ng tulong, nangangailangan sila ng tulong, bakit naman kailangan nating galawin yung pondo nila?… ‘Wag natin gamitin ang pera na ‘yan sa panahong ito,” the labor chief said.

“Government has to take extra steps in order to assure additional budget to help our OFWs,” he added.

He also said, “Huwag nating hayaan na maramdaman ng OFW na tinitipid sila sa kabila ng napakalaki nilang naitulong sa ekonomiya natin in the good and in the best of times.”

According to Bello, about 90,000 OFWs are stranded in other countries, awaiting repatriation, while some 63,000 others have already been brought home. ###

=====================================================

Pondo ng OFW, huwag gamitin upang makatulong – Bello

Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ilang panawagan na paggamit ng trust fund na pinamamahalaan ng Overseas Workers Welfare Administration upang magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at napauwing Pilipinong migranteng manggagawa.

“Nakapagbibigay sila sa atin ng $30 bilyong dolyar kada taon. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, kahit ngayon lamang ay ibalik natin ito sa kanila, ‘wag nating galawin yung pera nila,” wika ni Bello.

Humihingi ang OWWA ng P5 bilyon pisong supplemental budget mula sa kongreso upang mapalawig ang kanilang pondo dahil sa banta ng bankruptcy kung magpapatuloy sa paggastos para sa pagkain, accommodation at transportasyon ng mga napauwing manggagawa hanggang taong 2021.

Sa isinagawang Senate hearing noong nakaraang linggo, sinabi ni OWWA chief Hans Leo Cacdac na ang pondo ng ahensya na P18.79 bilyon ay inaasahang babagsak sa P10 bilyong hanggang matapos ang taon hanggang sa bumaba ito ng P1 bilyon hanggang matapos ang 2021 kung patuloy na magkakaroon ng mga OFW na mawawalan ng trabaho at mapapauwi.

Batay sa tala, gumastos na ang OWWA ng P800 milyon para sa repatriation, accommodation at tulong pinansyal para sa mga umuwing OFW na apektado ng Covid 19,  ayon kay Cacdac.

Sinabi pa ni Bello na ang pondo ng OWWA ay dapat na ginagastos para sa pangangailangan ng mga miyembro tulad ng livelihood o kung balakin nilang magtayo ng sariling negosyo at para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

“Dapat gobyerno ang magbigay ng pera para matiyak natin na lahat ng kailangan ng ating mga OFW ay matugunan natin… Bakit naman, for the first time na hihingi naman sila ng tulong, nangangailangan sila ng tulong, bakit naman kailangan nating galawin yung pondo nila?… ‘Wag natin gamitin ang pera na ‘yan sa panahong ito,” ayon sa kalihim.

“Ang gobyerno ay dapat na gumawa ng pamamaraan upang matiyak ang karagdagang pondo upang matulungan ang ating mga OFW,” dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na, “Huwag nating hayaan na maramdaman ng OFW na tinitipid sila sa kabila ng napakalaki nilang naitulong sa ekonomiya natin in the good and in the best of times.”

Ayon kay Bello, tinatayang nasa 90,000 OFW ang stranded sa ibang bansa, naghihintay ng repatriation, habang ang nasa 63,000 ay napauwi na sa bansa.

###Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
109