News Release

Department of Labor and Employment

13 March 2019

 

No deportation of OFWs from UAE — DOLE

 

The labor department has assured overseas Filipino workers in the United Arab Emirates that no deportation will happen amid news circulating online that the Middle Eastern country will deport all foreign workers starting April 2019.

 

Citing a report from the International Labor Affairs Bureau, Labor Secretary Silvestre Bello III doused rumors being spread online causing confusion and anxiety to a number of deployed workers in the UAE.

 

According to the article, foreign workers in 35 job categories who are over the age of 40 will be terminated and deported to give opportunity to UAE nationals, especially the young graduates, and solve the country’s unemployment crisis.

 

Among the occupations mentioned are pharmacist, medical secretary, administrative clerk, human resource officer, receptionist, treasurer, librarian, security guard, purchasing manager, debt collector, cashier, tour guide, etc.

 

In a report to ILAB, Labor Attache Alejandro Padaen of the Philippine Overseas Labor Office in Abu Dhabi quoted an official of the emirate that the news is not true. Padaen said Dr. Omar Abulrahman Salem Alnuami, Assistant Secretary for Communication and International Relations of the Ministry of Human Resources and Emiratisation (MOHRE) told him the story is “fake news.”

 

Another emirate official, Asmaa Alamadani, the executive director of MOHRE’s International Bilateral Relations Department, spoke to Labor Attache Felicitas Bay of POLO Dubai, who assured her that news is “not true at all.”

 

The article also circulated in other Gulf Cooperation Council countries like the Kingdom of Saudi Arabia and Oman. END/aldm

 

======================================================

Walang deportasyon ng OFW mula UAE – DOLE

 

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang magaganap na deportasyon ng mga overseas Filipino workers sa United Arab Emirates sa gitna ng mga ulat sa online na ipade-deport ng Middle Eastern Country ang lahat ng mga dayuhang manggagawa simula sa Abril 2019.

 

Batay sa ulat mula sa International Labor Affairs Bureau, pinawi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga haka-haka sa online na nagbibigay kalituhan sa mga manggagawa sa UAE.

 

Sa ulat ng isang artikulo, ang mga dayuhang manggagawa sa 35 kategorya ng trabaho na higit sa 40 taong gulang ay tatanggalin at ipade-deport na sa kanilang bansa upang bigyang oportunidad ang mga UAE nationals, lalo na ang mga bagong graduate, upang lutasin ang krisis ng kawalan ng trabaho sa nasabing bansa.

 

Kabilang sa mga trabahong nabanggit ay mga pharmacist, medical secretary, administrative clerk, human resource officer, receptionist, treasurer, librarian, security guard, purchasing manager, debt collector, cashier, tour guide, at iba pa.

 

Sa ulat sa ILAB, sinabi ni Labor Attache Alejandro Padaen ng Philippine Overseas Labor Office sa Abu Dhabi na walang katotohanan ang mga lumabas na ulat ayon na mismo sa isang opisyal ng emirate. Dagdag pa ni Padaen, sinabi sa kanya ni Dr. Omar Abulrahman Salem Alnuami, Assistant Secretary for Communication and International Relations of the Ministry of Human Resources and Emiratisation (MOHRE) na ang lumabas na ulat ay pawang mga “fake news.”

 

Isa pang opisyal ng emirate na si Asmaa Alamadani, executive director ng MOHRE’s International Bilateral Relations Department ang nakipagusap kay Labor Attache Felicitas Bay ng POLO Dubai at tiniyak sa kanya na walang katotohanan ang mga lumabas na ulat.

 

Sinasabing kumalat ang artikulo sa iba pang Gulf Cooperation Council na bansa tulad ng Kingdom of Saudi Arabia at Oman. END/aldm/ Paul Ang

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1