News Release

Department of Labor and Employment

23 May 2019

 

New autopsy on Dayag sought

 

The labor department has requested the National Bureau of Investigation to conduct an autopsy on the remains of Filipino worker Constancia Dayag who was found dead in her room at her employer’s residence in Kuwait on May 14.

 

Acting Labor Secretary Renato Ebarle said the request was made pursuant to the desire of her family for a conclusive determination of the cause of Dayag’s death. The autopsy will be done as soon as remains arrive in Manila on Thursday.

 

“At the very least, the second autopsy will help give her family the peace of mind that they deserve. Equally important, the procedure may provide us a clearer view of the circumstances surrounding her death,” Ebarle said.

 

A balik-manggagawa who served the same employer for three years, Dayag, 47, was to fly home on May 16. She left behind two sons and a daughter.

 

Ebarle met with Dayag’s daughter, Lovely Jane, at the DOLE office and handed over the financial assistance amounting to P120k from the Overseas Workers Welfare Administration and P200k from various recruitment agencies and associations.

 

On instruction of Labor Secretary Silvestre Bello III, OWWA will also provide livelihood package to Constancia’s family and scholarship assistance to one of her children.

 

END/aldm

========================================

Bagong autopsy hiniling para kay Dayag 

 

Hiniling ng labor department sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng bagong autopsy sa labi ng OFW na si Constancia Dayag na natagpuang patay sa kanyang silid sa bahay ng kanyang employer sa Kuwait noong Mayo 14.

 

Sinabi ni Acting Labor Secretary Renato Ebarle na ang kahilingan ay batay na rin sa kagustuhan ng kanyang pamilya upang tiyakin ang naging sanhi ng pagkamatay ni Dayag. Agad na gagawin ang autopsy sa pagdating ng kanyang labi sa Maynila ngayong Huwebes.

 

“Ang ikalawang autopsy ay makakatulong para sa katahimikan ng kanyang pamilya. Mahalaga rin ang proseso upang mas malinaw na maunawaan ang pangyayari na nagbunsod ng kanyang pagkamatay,” ani Ebarle.

 

Isang balik-manggagawa na nanilbihan sa kanyang employer sa loob ng tatlong taon, si Dayag, 47 taong gulang, ay nakatakda sanang umuwi nitong Mayo 16. Siya ay may naiwang dalawang anak na lalaki at isang anak na babae.

 

Nakaharap ni Ebarle ang babaeng anak ni Dayag, si Lovely Jane, sa tanggapan ng DOLE kung saan kanyang iniabot ang tulong-pinansiyal na P120k mula sa Overseas Workers Welfare Administration at P200k mula sa iba’t ibang recruitment agency at association.

 

Sa utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III, magbibigay din ang OWWA ng tulong-pangkabuhayan sa pamilya ni Dayag at scholarship sa isa sa kanyang mga anak.

 

END/aldm/gmea

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry