Inanyayahan ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang mga naghahanap ng trabaho, mga mag-aaral na magsisipagtapos, mga walang trabaho, at kahit ang mga bumabalik na overseas Filipino workers na dumalo sa mga job fair na ginaganap at naka-iskedyul sa natitirang linggo ng Marso.

Ani Bello, ang mga fair ay idinaraos upang maging mas maginhawa at hind magastos ang paghahanap ng trabaho. Kanyang idinagdag na ang mga naghahanap ng trabaho ay maaaring ma-hire-on-the-spot kung tugma ang kanilang mga kwalipikasyon batay sa hinahanap ng mga kalahok na employer.

Pinaalalahanan niya ang mga aplikante na magdala at maghanda ng mga sumusunod na kinakailangan sa aplikasyon: resume or curriculum vitae (magdala ng dagdag na kopya para sa maramihang aplikasyon sa trabaho); 2×2 ID pictures; certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho; diploma o transcript of records; at authenticated birth certificate.

 

Ang DOLE, sa pamamagitan ng Bureau of Local Employment (BLE), ang nangangasiwa sa pagdaraos ng job fair sa buong bansa na may koordinasyon sa iba’t-ibang mga lokal na pamahalaan, Public Employment Service Offices (PESOs), at higher education institutions (HEIs).

Ang job fairs—5 sa Luzon, 1 in Visayas, at 7 sa Mindanao—ay  nai-post sa PhilJobNet, ang internet-based na job at applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang job fairs sa Luzon ay naka-iskedyul sa mga sumusunod na petsa:

March 24–Sorsogon State College-Bulan Campus, Bulan, Sorsogon (Bicol Region);
March 25–San Jose Del Monte National Trade School, Area E, Brgy. Fatima V. Sapang Palay, City of San Jose Del Monte, Bulacan (Central Luzon);
March 28–Municipal Covered Court, Santa Ignacia, Tarlac (Central Luzon); Community Colleges of the Philippines Foundation, Cabanatuan City, Nueva Ecija (Central Luzon); OWWA Job Fair (Exclusive for returning OFWs from Kingdom of Saudi Arabia), Occupational Safety and Health Center, Quezon City (National Capital Region).

Sa Visayas, ang job fair ay sa March 31–Tacloban Convention Center, Tacloban City, Leyte (Eastern Visayas).

Ang job fairs sa Mindanao ay naka-iskedyul sa:

March 24–Brgy. Tuban Gymnasium, Sta. Cruz, Davao Del Sur (Davao Region); Brgy. Tankulan, Municipal Gymnasium, Manolo Fortich, Bukidnon (Northern Mindanao);
March 25–UM Panabo College, San Francisco, Panabo City, Davao del Norte (Davao Region); Baliok Elementary School Covered Court, Barangay Baliok, Talomo District, Davao City (Davao Region);
March 29–Colegio De Kidapawan Gymnasium, Kidapawan City, Cotabato (SOCCSKSARGEN);
March 30–Saint Mary’s College Campus, Tagum City, Davao del Norte (Davao Region);
March 31–Brgy. Astorga Gymnasium, Sta. Cruz, Davao Del Sur (Davao Region)

END/aldm/mdd

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry