News Release
Department of Labor and Employment
27 November 2019

More Pinoy nurses wanted in Germany

More Filipino nurses will soon have the opportunity of working in Germany with the continued implementation of the Triple Win Project, which projected to hire 1,000 Pinoy nurses for 2020.

Labor Secretary Silvestre Bello III said the Federal Republic of Germany preferred to hire additional Pinoy nurses to address its need for healthcare professionals under the Triple Win Project, a government-to-government hiring program administered by Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

“It has been six years since the Philippines and Germany started cooperation on the placement of our Pinoy nurses. I am confident that for 2020, this partnership under the Triple Win Project will provide improved and streamlined application process, and more importantly, ensured protection to our nurses,” Bello said.

Citing the POEA data, the labor chief also disclosed that from 2013, a total of 903 Pinoy nurses were deployed in Germany and now receiving a starting monthly salary of €2,000 up to € 2,400 after recognition as a qualified nurse.

However, the labor chief clarified that the application period for this year has already ended and the application period and process for next year will be announced soon.

Bello meanwhile said the success of Triple Win Project might open up other job opportunities to the Filipinos as Germany is eyeing to expand the project’s coverage to other sectors to meet their labor demand.

AbegailDeVega

==========================================

Pinoy nurses kailangan sa Germany

Mas maraming Pilipinong nurse na ang magkakaroon ng oportunidad na magtrabaho sa Germany kasunod ng patuloy na pagpapatupad ng Triple Win Project na inaasahang magbibigay ng karagdagang 1,000 trabaho sa mga Pinoy sa 2020.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mas pinipili ng Federal Republic of Germany na tumanggap ng karagdagang Pilipinong nurse upang tugunan ang pangangailangan nila para sa mga healthcare professional sa ilalim ng Triple Win Project, isang government-to-government hiring program na pinangangasiwaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

“Anim na taon na ang nakararaan mula ng simulant ng Pilipinas at Germany ang pagtutulungan para sa pagpapadala ng mga Pinoy nurse. Kumpiyansa ako na para sa 2020, ang pagtutulungan na ito sa ilalim ng Triple Win Project ay makapagbibigay ng mas maayos at pinaiksing proseso ng aplikasyon at higit sa lahat ay matiyak ang proteksyon ng mga Pilipinong nurse,” wika ni Bello.

Batay sa data ng POEA, sinabi ng kalihim na mula 2013, mayroon ng kabuuang 903 Pinoy nurse ang naipadala sa Germany at kasalukuyan na silang tumatanggap ng buwanang sahod na €2,000 hanggang €2,400 matapos silang pumasok bilang mga kuwalipikadong nurse.

Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na ang application period para sa taong ito ay tapos na at ang pag-aaplay at pagpoproseso para naman sa susunod na taon ay iaanunsyo rin sa mga susunod na araw.

Samantala, dinagdag pa ni Bello na ang katuparan ng Triple Win Project ay maaaring magbukas ng iba pang oportunidad sa mga Pilipino dahil inaasahang nais pang palawigin ng Germany ang saklaw ng proyekto sa iba pang sektor upang umagapay sa kanilang labor demand.

###AbegailDeVega/ Paul Ang

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2