News Release
Department of Labor and Employment
August 25, 2021

More jabs for construction, factory workers secured — Bello   

The request of the Department of Labor and Employment (DOLE) for additional vaccines of workers in economically active industries has been approved by the National Task Force Against COVID-19.

Labor Secretary Silvestre Bello III lauded the move which will speed up reopening of the economy and boost protection of workers in the country’s manufacturing and construction industries.

“I sincerely thank vaccine czar Secretary Carlito Galvez for his positive and immediate response on our urgent request,” Bello said.

With the approval, Bello said a total of 452,000 doses would be allocated for factory workers in Regions 4A, 3 and 7 and construction workers in the National Capital Region.

Bello acknowledged the challenges in the supply of vaccines but said it was necessary to allocate a portion of the supply for workers who are actively contributing to the economy.

“We believe doing this would speed up economic recovery,“ he said.

The Labor chief said the recent 11.8 percent growth in the country’s Gross National Product emphasizes the need to inoculate active members of the economy.

“This is particularly true to the manufacturing and construction sectors that contributed much to that growth,” Bello added.

Earlier, the National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force and the Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) launched the ‘1 Million Jobs for 2021’ project.

The project aims to immediately source Filipino talents for deployment in economically active industries, under a policy environment that would help create jobs all over the country.

Bello said part of DOLE’s commitment in the project is to facilitate the vaccination of workers in their respective local government units. ###

====================================================

Tiniyak karagdagang bakuna para sa mga manggagawa sa konstruksiyon, pabrika – Bello  

Inaprubahan na ng National Task Force Against COVID-19 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE)  para sa karagdagang bakuna ng mga manggagawa sa mga aktibong industriya.

Pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang hakbanging ito sa dahilang mas mapapabilis ang muling pagbubukas ng ekonomiya at magpapalakas sa proteksiyon ng mga manggagawa sa mga industriya ng pabrika at konstruksiyon ng bansa.

“Taos-puso akong nagpapasalamat kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez para sa kanyang positibo at mabilis na pagtugon sa ating agarang kahilingan,” pahayag ni Bello.

Sa inaprubahang kahilingan, sinabi ni Bello na ang kabuang 452,000 doses ang ilalaan para sa mga manggagawa sa pabrika sa Region 4A, 3 at 7 at sa mga manggagawa sa konstruksiyon sa National Capital Region.

Kinilala ni Bello ang mga hamon sa pagbibigay ng mga bakuna ngunit kanyang sinabi na kinakailangan na maglaan ng bahagi ng supply ng bakuna para sa mga manggagawa na aktibong nag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya.

“Naniniwala kami na sa gawaing ito ay mapapabilis ang muling pag-bangon ng ating ekonomiya,” aniya.

Sinabi ng Kalihim na ang kamakailang 11.8 na porsyentong paglago ng Gross National Product ng bansa ay nagpapahayag ng pangangailangang mabakunahan ang mga aktibong miyembro ng ating ekonomiya.

“Ang katotohanang ito ay partikular sa sektor ng pabrika at konstruksiyon na malaki ang naiaambag sa pag-unlad ng ating ekonomiya,” dagdag ni Bello.

Una dito, inilunsad ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force at ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) ang proyektong ‘1 Million Jobs for 2021’.

Sa ilalim ng polisiya na makaktulong sa paglikha ng trabaho sa buong bansa, nilalayon ng proyekto na agad ma-deploy ang manggagawang Filipino sa mga aktibong industriya para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sinabi ni Bello na bahagi ito ng pangako ng DOLE upang mapabilis ang pagbabakuna ng mga manggagawa sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.###

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
4