News Release
Department of Labor and Employment
October 3, 2021

More aid vowed for Cagayan workers

Government aid for pandemic-hit workers in Cagayan Province would reach more than P1 billion by the end of 2021, according to the Department of Labor and Employment (DOLE).

Labor Secretary Silvestre Bello III expects DOLE to have distributed a total of P1.1 billion in financial assistance from DOLE’s flagship cash-for-work aid program, the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) to workers of the province before yearend.

Beneficiaries are estimated to reach around 198,000 workers, Bello told a crowd including national and local government officials.

The Labor chief was in Isabela, Cagayan to implement TUPAD and lead the Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) meeting of the Cabinet Officers for Regional Development and Security (CORDS).

Bello reported that DOLE has assisted a total of 88,065 workers and disbursed a total of P480 million cash assistance since the start of the pandemic last year.

“We estimated the number to reach more than 198,000 beneficiaries for a sum of more than P1.1 billion in TUPAD funds before the end of the year,” Bello said.

A total of P50 million was also set aside for the implementation of DOLE’s Livelihood Program in the 100 identified influenced barangays in the Cagayan Valley Region, Bello added.

“Our people in the regional and field offices have started orientations among our partner local government units. We target to initiate the distribution of assistance in the last quarter,” he said.

Bello urged the local government units (LGUs) to pool more resources from other agencies to sustain the peace and development drive of the state in underprivileged barangays in the country.

“I’m sure that with the LGUs’ support, we can accomplish more, help more people and lead them to a better, brighter future,” Bello said.

After Isabela, Bello went to Tuguegarao City to deliver the financial and livelihood aid of the government to workers affected by the pandemic that continues to batter the economy. ###

===========================================

Dagdag na tulong ipinangako para sa mga manggagawa sa Cagayan

Aabot na sa mahigit P1-bilyon ang naipamahaging tulong ng pamahalaan para sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya sa Lalawigan ng Cagayan, sa pagtatapos ng 2021, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Inaasahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maipamamahagi ng DOLE ang kabuuang P1.1 bilyon tulong-pinansiyal mula sa mga pangunahing programa na cash-for-work, ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para sa mga manggagawa ng lalawigan bago magtapos ang taon.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 198,000 manggagawa ang nakinabang, pahayag ni Bello, sa harap ng mga mamamayan kabilang ang mga pambansang opisyal at lokal na pamahalaan.

Nagpunta ang Kalihim sa Isabela, Cagayan para sa implementasyon ng TUPAD at upang pangunahan din ang pagpupulong ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC)  na binubuo ng Cabinet Officers for Regional Development and Security (CORDS).

Iniulat ni Bello na umabot sa 88,065 manggagawa ang natulungan ng DOLE at naipamahagi sa kanila ang P480 milyon tulong-pinansiyal mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

“Tinataya namin na aabot ang bilang ng mahigit 198,000 benepisaryo para sa kabuuang halaga na higit P1.1 bilyong pondo ng TUPAD bago matapos ang taon,” wika ni Bello.

May kabuuang P50 milyon din ang inilaan para sa implementasyon ng programang pangkabuhayan ng DOLE para sa 100 tinukoy na barangay sa Cagayan Valley Region, dagdag ni Bello

“Sinimulan na ng aming mga kawani sa regional at mga field office ang pagbibigay ng orientation sa ating mga katuwang na mga local government unit (LGU). Target namin na simulan ang pamamahagi ng tulong sa huling bahagi ng kasalukuyang taon,” aniya.

Hinimok ni Bello ang mga pamahalaang lokal na tipunin ang lahat ng makukuhang tulong mula sa iba’t ibang ahensiya upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa mga mahihirap na barangay sa bansa.

“Sigurado ako na sa suporta mula sa LGU, mas marami tayong makakamit, mas maraming tao ang matutulungan at ating magagabayan para sa isang mahusay at mas maliwanag na kinabukasan,” pahayag ni Bello.

Matapos sa Isabela, nagtungo si Bello sa Tuguegarao upang ipamahagi ang tulong-pinansiyal at pangkabuhayan ng pamahalaan para sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya na patuloy pa ring nagpapahirap sa ating ekonomiya. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry