Tinulungan ng overseas office ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa San Andres Bukid, Manila na di umano’y minaltrato ng kanyang employer sa Amman, Jordan.

Sinabi ni Labor Attache Florenda L. Herrera na nasa kustodiya na ng Philippine Overseas Labor Office si Josalyn O. Ombe, 35, matapos itong magsumbong na siya ay minamaltrato ng kaniyang Jordanian employer.

 

“Nasa pangangalaga na namin si Ms. Ombe at inaasikaso ng POLO ang kanyang pangangailangan at seguridad,” ani Herrera.

 

Napaulat na unang humingi ng tulong si Ombe sa isang tabloid, kung saan kanyang isiniwalat ang pagmamaltrato na kanyang dinanas mula sa kanyang employer, na kanyang pinangalanan na Ahmed Saleem Marashdeh ng Madaba Amman, Jordan.

I’m not okay. It’s getting worse here. She [employer] has not given me any food to eat for the whole day. She hid all the food. She is giving me a heavy workload. The mobile phone of my male employer is missing. I’m afraid that they might accuse me of stealing it. I need to go out of here before it gets too late. I can’t take it anymore. I hope I can get the assistance I needed the soonest,” ani Ombre sa kanyang Facebook account na inilathala ng Abante noong Pebrero 18, 2017.

(“Hindi ako okay. Lalong lumalala ang sitwasyon ko dito. Hindi niya ako binibigyan ng pagkain sa buong maghapon. Itinago niya lahat ng pagkain. Mabigat ang trabahong ibinibigay niya sa akin. Nawawala ang cellphone ang amo kong lalaki. Natatakot ako na baka ibintang ito sa akin. Kailangan kong makaalis agad dito bago mahuli ang lahat. Hindi ko na kaya ito. Sana mabigyan ako ng tulong sa lalong madaling panahon.”)
Sa parehong pahayag, naiulat na muling idineploy si Ombe noong Nobyembre 30, 2016 sa Jordan bilang household service worker ng World Class Inc. Agency.

Mahigpit na binabantayan ng POLO-Jordan ang kaso para sa anumang pagbabago at nakikipag-ugnayan na rin sila para sa anumang legal na aksyon ng biktima laban sa kanyang employer.

END/TDL/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry