Mas maraming Filipino sa Metro Manila ang natanggap sa trabaho kumpara sa nawalan ng trabaho sa third quarter ng 2016.

 

Batay sa LabStat report ng Philippine Statistics Authority, ang labor turnover rate sa pangunahing enterprises sa Metro Manila ay nagtala ng pinakamataas na labor turnover rate sa third quarter ng 2016 na 3.67 percent simula 2011.

 

Ito ay nangangahulugan na ang trabaho sa malalaking kompanya sa Metro Manila ay patuloy na nadaragdagan sa third quarter ng 2016 na 3.67 percent. Makikita rin na ang nakarehistrong turnover rate para sa nasabing panahon ay mas mataas sa 3.20 percent at 2.30 percent na naitala sa parehong quarter ng 2015 at sa ikalawang quarter ng 2016, ayon sa pagkakasunod.

 

Makikita rin sa datos ng PSA na mas mataas ng tatlong beses ang expansion rate kumpara sa replacement rate. Ang rate of accession o pagkuha ng bagong empleyado ay nasa 14.10 percent higit sa separation rate na 10.43 percent na may pagkakaiba ng 3.67 percent. Ito ay nangangahulugan na sa kada 1,000 manggagawang may trabaho, 37 manggagawa ang nadagdag sa enterprise workforce. Sa bawat 1,000 manggagawa nagtatrabaho, 141 manggagawa ang nadagdag dahil sa expansion o replacement samantalang 104 manggagawa ang tinanggal o umalis sa kanilang trabaho.

 

Ang 14.10 percent ng accession rate ay bunga ng pag-unlad ng negosyo sa nasabing panahon na 10.88 percent, mas mataas sa accession ng 7.7 percentage point dahil sa pagpapalit ng manggagawa sa 3.22 percent.

 

Karamihan sa mga industriya ay nag-ulat ng positibong labor turnover rates mula 0.05 percent (water supply; sewerage waste management at remediation activities) hanggang 20.79 percent (transportation at storage).

 

Kabilang sa pangunahing sektor, ang services ang nagtala ng pinakamataas na pagdami ng trabaho na 4.03 percent. Ito ay mula sa transportation at storage na 20.79 percent; accommodation at food service activities na 6.02 percent; administrative at support service activities na 5.10 percent; at iba pang service activities na 4.87 percent. Sa kabilang banda, tanging education (-0.44 percent) ang may negatibong labor turnover rate sa ilalim ng nasabing sektor.

 

Sa nasabing panahon, nakita sa pag-aaral na mas malaki ang bilang ng manggagawang umalis sa trabaho na 7.94 percent kumpara sa tinanggal ng kanilang employer na nasa 2.94 percent.

Ang pinakamataas na separation rate ay naitala ng administrative at support service activities na 16.59 percent, kung saan 14.05 percent ay employee-initiated. Ito ay sinundan ng accommodation at food service activities na 11.49 percent, kung saan 9.47 percent ay employee-initiated.

 

Sa kabuuan, ang employer-initiated separation ay mataas sa industry sector. Gayunpaman, karamihan sa mga industries sa service sector ay nagtala ng mataas na separations na nagmula sa manggagawa mismo maliban sa tatlong industries (trade, education and health).

 

Ang Labor Turnover Survey (LTS) ay isang quarterly sample survey ng mga negosyo na pinamamahalaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula pa ng ikatlong kuwarter ng 2002. Nilalayon ng sarbey na makuha ang “job creations” at “job displacement sa mga business enterprises na nakabase sa Metro Manila sa pamamagitan ng pangangalap ng quarterly data sa accessions at separations ng mga manggagawa.

 

May kabuuang 1,232 enterprises ang nagsilbing respondents para sa Third Quarter 2016 Labor Turnover Survey. Ang sample enterprises ay kinuha mula sa 2015 List of Enterprises. Ang retrieval rate para sa quarter na ito ay naitala sa 98.4 percent.

 

END/CTM/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry