Ang mga manggagawa na maaapektuhan ng department order na ganap nang ipinagbabawal ang labor-only contracting at lahat ng uri ng ilegal na kontraktwalisasyon ay pagkakalooban ng kinakailangang tulong ng pamahalaan.

Sinabi ni Labor Undersecretary Dominador Say na naglaan ang pamahalaan ngayong taong ng badyet para sa pagkakaloob ng pansamantalang tulong para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho resulta ng pagpapatupad ng Department Order 174 ng DOLE.

“Kami ay magiging handa para tumulong nang hindi bababa sa tatlong buwan sa mga maaapektuhan na mga empleyado,” sabi ni Say.

Sinabi niya na ang pangunahing interbensyon ng pamahalaan ay magbigay ng pagsasanay para sa mga manggagawa upang magbigay ng bagong kaalaman at i-upgrade ang kanilang mga kasanayan, sa gayon ay mapahusay ang kanilang employability sa iba pang mga industriya.

“Tutulungan namin silang mahasa at magsanay ng iba pang skills kung saan mayroong demand,” sinabi niya.

Ang mga sasailalim sa pagsasanay, ay pagkakaloob ng allowance sa panahon ng training, kung saan ito ay magtatagal sa loob ng tatlong buwan, aniya.

“Naiintindihan namin na may pangangailangan ang kanilang mga pamilya. Kaya kami ay handa na gumastos nang hindi bababa sa tatlong buwan para sa kanilang allowance habang nasa training sila,” dagdag ng undersecretary.

Ang labor department kamakailan ay nagpalabas ng D.O. 174, o ang Rules Implementing Articles 106 to 109 of the Labor Code. Ang bagong order ang pumalit sa D.O. 18-A.

END/Tim Laderas/MDD

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry