News Release
Department of Labor and Employment
September 12, 2021

Masbate workers get 43.2-million pesos DOLE aid

Informal sector workers in the province of Masbate, some of them recovering from the recent typhoon Jolina, received 43.2 million pesos worth of livelihood assistance from the Department of Labor and Employment (DOLE) yesterday, September 11.

Some 3,600 displaced or disadvantaged Masbateño workers, including returning OFWs and youth interns, received from the labor department pangkabuhayan programs, such as the DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) worth 3.3 million pesos, and Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) amounting to around 34.8 million pesos.

Led by Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III, the DOLE team also awarded 4.7 million pesos stipend for the beneficiaries of the Government Internship Program (GIP) and nearly 240,000 pesos DOLE – AKAP assistance and social benefits for OFW families.

Secretary Bello also awarded the DOLE Safety Seals to Masbate-based Filminera Resources Corporation and Philippine Gold Processing and Refining Corporation for complying with the health and safety standards of Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF – EID).

“Ang utos ng ating Pangulo, ang kuwarta sa tao. Inyo ‘yung pera. Hindi niyo utang sa akin yan, hindi niyo ‘iyan utang sa DOLE. Iyan ay pera ninyo, dapat lang na mapunta sa inyo,” Bello told the beneficiaries as he also reminded them to take care of their livelihood programs.

Among the DOLE grantees are selected vaccinated essential workers who received bicycle units with complete accessories and mobile phones under the DILP’s Bike-Cination Project.

Welcomed by Masbate local chief executives and DOLE Region V headed by Director Ma. Zenaida Angara-Campita, Secretary Bello was also joined by Undersecretary Benjo Santos Benavidez, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, DOLE NCR Director Sarah Buena Mirasol, and BWSC Director Ma. Karina Perida-Trayvilla. # # # GSR

=============================================

Manggagawa sa Masbate tumanggap ng P43.2-M tulong mula sa DOLE

Tumanggap ng P43.2 milyong halaga ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa sa impormal na sektor sa lalawigan ng Masbate, kung saan ang ilan sa mga ito ay biktima ng bagyong Jolina, nitong nakaraang Setyembre 11.

May 3,600 manggagawa mula sa Masbate na nawalan ng trabaho, kabilang dito ang mga umuwing OFW at mga kabataang intern, ang tumanggap ng programang pangkabuhayan mula sa labor department, gaya ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na nagkakahalaga ng P3.3-M at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na umabot sa humigit-kumulang P34.8-M.

Sa pangunguna ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III, ipinagkaloob din ng DOLE Team ang P4.7-M bayad para sa mga benepisaryo ng Government Internship Program (GIP) at halos P240,000 tulong mula sa DOLE–AKAP para sa mga pamilya ng OFW.

Iginawad din ni Secretary Bello ang DOLE Safety Seal sa Masbate-based Filminera Resources Corporation at Philippine Gold Processing and Refining Corporation, dahil sa kanilang pagsunod sa mga pamantayan sa kalusugan at kaligtasan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF – EID).

“Ang utos ng ating Pangulo, ang kuwarta ay para sa mga tao. Kaya, sa inyo ‘yung pera. Hindi n’yo utang sa akin yan, hindi n’yo utang yan sa DOLE. Iyan ay pera ninyo, dapat lang na mapunta sa inyo,” pahayag ni Bello sa mga benepisaryo kasabay ng pagpapaalala na ingatan nila ang matatanggap na tulong pangkabuhayan nula sa DOLE.

Kabilang sa binigyan ng DOLE ay mga piling bakunadong manggagawa na nakatanggap ng bisikleta na may kasamang kumpletong accessory at mobile phone sa ilalim ng DILP Bike-Cination Project.

Malugod na tinanggap si Secretary Bello, kasama sina Undersecretary Benjo Santos Benavidez, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, DOLE NCR Director Sarah Buena Mirasol, at BWSC Director Ma. Karina Perida-Trayvilla ng pamunuang lokal ng Masbate at ng DOLE Regions 5 sa pamumuno ni Director Ma. Zenaida Angara-Campita. # # # GSR/gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2