Mahigit sa isang libong manggagawa sa industriya ng minahan sa rehiyon ng CARAGA ang ngayon ay regular na ang estado sa empleo, ulat kahapon ng labor department regional office.

 

Batay sa pinakahuling report sa kampanya ng rehiyon para sa regularisasyon ng manggagawa, dalawa sa pinakamalaking kompanya ng minahan na nag-oopera sa rehiyon ang boluntaryong nag-regular ng 1,102 manggagawa matapos magsagawa ang DOLE ng assessment at malawakang impormasyon laban sa kontraktuwalisasyon.

 

Boluntaryong ginawang regular ng Sumitomo Mitsui Construction Co. Group, isang mining contractor sa Surigao del Norte, ang 839 nitong manggagawa, gayundin ang PHILSAGA Mining Corporation sa Agusan del Sur na may 263 security guards na ginawang regular.

 

Iniulat din ni DOLE CARAGA Regional Director Chona Mantilla na may iba pang kompanya ng minahan ang naka-base sa rehiyon ang nangakong boluntaryong gagawing regular ang kanilang manggagawa matapos ang ginawang inspeksiyon at assessment ng labor laws compliance officers (LLCOs).

 

Nitong Marso 9, 2018, may kabuuang 136,971 manggagawa ang regular na ang empleo sa pamamagitan ng pinalakas na kampanya ng DOLE laban sa iligal na kontraktuwalisasyon at labor-only contracting activities.

 

Sa kabuuang bilang, 54,191 manggagawa ang boluntaryong ni-regular ng kanilang employer samantalang 82,780 manggagawa ang naging regular matapos ang isinagawang inspeksiyon at assessment ng LLCO.

 

END/Abegail De Vega/gmea

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry