News Release
Department of Labor and Employment
March 26, 2022

Livelihood, emergency employment assistance worth over Php12M awarded in Ormoc

More than 2,000 workers from Ormoc City benefitted from the Php12.14 million worth of livelihood and emergency employment assistance awarded recently by the Department of Labor and Employment.

Labor Secretary Silvestre Bello III personally led the awarding of livelihood funds amounting to Php3 million for the procurement of motorized banca and fishing gear of 100 beneficiaries.

A livelihood assistance amounting to Php2.88 million was also awarded for the Negokart projects of 96 beneficiaries

“It is in the interest of the government that informal workers, whether in times of crisis or not, are able to get the livelihood support they need for the betterment not only of their personal lives but also of their communities. We are honored to be given the opportunity to provide assistance and respond to their call for help,” Bello said.

During his visit to Ormoc, the labor chief also took part in the pay out of wages to 1,849 informal workers under the department’s Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers or TUPAD program, a community-based package of assistance that provides emergency employment for displaced workers, underemployed and seasonal workers, for a minimum period of 10 days.

The total pay out amounted to more than Php6 million as each worker received Php3,250.00 for rendering 10-days of work. “I assure you that the DOLE programs will continue to help our needy workers, tuloy-tuloy lang po ang ating serbisyong TUPAD”, added Bello.

Meanwhile, some 34 overseas Filipino workers (OFWs) and OFW-dependents also received livelihood amounting to Php255,000.00 under OWWA’s programs namely, Tulong Puso, Balik Pinas Balik Hanapbuhay and Educational Livelihood Assistance Program. ###

=================================================

Tulong-pangkabuhayan, emergency employment na nagkakahalaga ng mahigit Php12M iginawad sa Ormoc

Mahigit 2,000 manggagawa mula sa Ormoc City ang nakinabang mula sa Php12.14 milyong halaga na tulong-pangkabuhayan at emergency employment ang iginawad kamakailan ng Department of Labor and Employment.

Personal na pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagbibigay ng pondong pangkabuhayan na nagkakahalaga ng Php3 milyon para sa pagbili ng bangkang de-motor at gamit pangingisda ng 100 benepisyaryo.

Iginawad din ang Php2.88 milyon tulong pangkabuhayan para sa proyektong Negokart ng 96 benepisyaryo.

“Layunin ng pamahalaan na makatanggap ng supportang pangkabuhayan ang mga impormal na manggagawa, sa panahon man ng krisis o hindi, upang bumuti hindi lamang ang kanilang personal na buhay kundi maging ng kanilang komunidad.

Ikinararangal namin na mabigyan ng pagkakataon na makatulong at makatugon sa kanilang panawagang tulong,” pahayag ni Bello.

Sa kanyang pagbisita sa Ormoc, pinangunahan din ng kalihim ang pamimigay ng sahod sa 1,849 na impormal na manggagawa sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o programang TUPAD ng kagawaran. Ito ay isang community-based package na nagbibigay ng emergency employment para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, underemployed at seasonal na manggagawa, sa loob ng minimum na 10 araw.

Ang kabuuang bayad ay umabot sa mahigit Php6 milyon kung saan ang bawat manggagawa ay tumanggap ng Php3,250.00 para sa 10-araw na trabaho.“Tinitiyak ko sa inyo na ang mga programa ng DOLE ay patuloy na tutulong sa ating mga nangangailangang manggagawa, tuloy-tuloy lang po ang ating serbisyong TUPAD,” dagdag ni Bello.

Samantala, may 34 na overseas Filipino workers (OFWs) at OFW-dependents ang nakatanggap din ng tulong-pangkabuhayan na nagkakahalaga ng Php255,000.00 sa ilalim ng mga programa ng OWWA tulad ng Tulong Puso, Balik Pinas Balik Hanapbuhay at Educational Livelihood Assistance Program. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry