News Release
Department of Labor and Employment
February 13, 2020

Lifting of travel ban to Taiwan sought

Labor Secretary Silvestre Bello III has allayed fears that the implementation of the temporary travel ban to Taiwan may have detrimental effects on overseas Filipino workers even as he expressed confidence that ban will be lifted soon.

Bello said he is in constant coordination with the Department of Health (DOH), and had already requested the lifting of the ban on departing workers.

“For those who are affected by the travel ban in Taiwan, we ask for your patience and in a few days, there will be a review. While waiting for the lifting of the ban, we are providing financial assistance,” Bello said.

The labor chief said those members of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) who are affected by the ban are entitled to receive P10,000 financial assistance amid the crisis.

Bello said he is certain that the result of the assessment will be positive response, but in the meantime, affected OFWs were requested to wait for the next three to five days.

Aside from the provision of financial support, OWWA also offers stranded OFWs with accommodation, food, and transportation assistance.

“We are seeking understanding from our OFWs because the implementation of a temporary ban by the DOH is for your own safety as well. We hope for a possible lifting of the ban in a few days,” Bello said. ###Paul Ang

=============================================

Pag-alis ng travel ban sa Taiwan hiniling ng DOLE

Pinawi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pangamba ng publiko na ang pagpapatupad ng temporary travel ban sa Taiwan ay posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa mga overseas Filipino worker, kaya naman nagpahayag na siya ng positibong pananaw na maaalis na rin ang ban sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Bello na patuloy siyang nakikipag-usap sa Department of Health (DOH), at hiniling na niya ang pag-lift sa naturang ban para sa paalis na mga manggagawa.

“Para sa mga apektado ng travel ban sa Taiwan, hinihiling namin ang inyong pang-unawa dahil ilang araw na lamang ay magkakaroon na ng review.”

“Habang naghihintay para sa lifting ng ban, nagbibigay kami ng financial assistance,” wika ni Bello. Dagdag pa ng kalihim na ang mga miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na apektado ng ban ay makatatanggap ng P10,000 financial assistance sa gitna ng krisis.

Ayon pa kay Bello, tiyak rin siya na positibo ang magiging resulta ng pag-aaral subalit habang naghihintay, hinihiling sa mga apektadong OFW ang pasensiya para sa susunod na tatlo hanggang limang araw. Maliban sa ibinibigay na financial support, umaagapay rin ang OWWA sa mga stranded na OFW sa pamamagitan ng pagbibigay ng matutuluyan, pagkain, at transportation assistance.

“Hinihiling namin ang pang-unawa ng mga OFW dahil ang pagpapatupad ng temporary ban ng DOH ay para sa inyong kaligtasan. Umaasa kami na ma-lift na ang ban sa mga susunod na araw,” ayon kay Bello.

#Paul Ang

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry