News Release
Department of Labor and Employment
February 2, 2020

Labor inspection of establishments resumes

To ensure the continuous promotion of rights and welfare of Filipino workers, the labor department has resumed the labor laws compliance inspection on private establishments in the country.

In Administrative Order No. 27, Series of 2020, Labor Secretary Silvestre Bello III has issued a general authority for all Regional Offices to resume the conduct of routine inspections in their area of jurisdiction.

The country has more than 900,000 private business establishments subject to regular labor inspection.

The labor inspectors (LIs) who will conduct the said inspection are tasked to ensure the compliance of private companies on general labor standards, such as proper payment of wages during holidays, overtime pays, implementation of the minimum wage law, remittance of social benefits of their workers, and others.

Also subject to inspection is the compliance of companies to health and safety standards.

The DOLE said that as of September 2019, it has inspected a total of 57,514 establishments covering 2.3 million workers.

The inspected establishments were mostly engaged in wholesale and retail, accommodation, and food service, and administrative support and service.

In December 2019, DOLE has temporarily suspended the said inspection activities to enable the department to dispose of all pending labor standards cases and prepare the inspection programs for 2020. #Paul Ang

===============================================

DOLE balik inspeksyon ng mga establisimento

Upang matiyak ang patuloy na pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa, muling magpapatuloy sa labor laws compliance inspection ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong establisimento sa buong bansa.

Sa inilabas na Administrative Order No. 27, Series of 2020, nag-isyu si Labor Secretary Silvestre Bello III ng general authority para sa lahat ng Regional Offices upang maipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa lugar na kanilang nasasakupan.

Ang bansa ay mayroong higit sa 900,000 pribadong establisimento na dumadaan sa regular na labor inspection.

Ang mga labor inspectors (LIs) na siyang nagsasagawa ng mga inspeksyon ay dapat na matiyak ang pagsunod ng mga pribadong kumpanya sa general labor standards, tulad ng tamang pagbabayad ng sahod tuwing holiday, maging para sa overtime pay, implementasyon ng minimum wage law, remittance ng mga social benefit sa kanilang mga manggagawa at iba pa.

Kabilang rin sa inspeksyon ang pagsunod ng mga kumpanya sa health at safety standards.

Sinabi ng DOLE na noong Setyembre 2019, nakapag-inspeksyon na ito sa kabuuang 57,514 establisimento na sumasaklaw sa 2.3 milyong manggagawa.

Karamihan aniya sa mga establisimentong dumaan sa inspeksyon ay nasa kategorya ng negosyong wholesale at retail, accommodation, at food service, at administrative support at iba pang serbisyo.

Noong  Disyembre 2019, pansamantalang sinuspinde ng DOLE ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa inspeksyon upang magkaroon ng panahon ang departamento upang maisaayos ang lahat ng mga pending na kaso ng labor standards at makapaghanda para sa mga programa ng inspeksyon para sa 2020.

#Paul Ang

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
34