News Release
Department of Labor and Employment
February 15, 2023

Kasambahay settles labor issue thru SENA

kasambahay or domestic worker in Iligan City got P30,000 unpaid 13-month pay from her employer immediately after an amicable settlement through the Department of Labor and Employment’s (DOLE) Single-Entry Approach (SEnA) program.

SEnA is an administrative approach that provides a speedy, impartial, inexpensive, and accessible settlement procedure for all issues or complaints arising from employer-employee relations to prevent them from ripening into full-blown disputes. Under this method, all labor and employment disputes undergo a 30-day mandatory conciliation-mediation process to settle with the contending parties.

DOLE-X Lanao del Norte Field Office OIC-Chief lawyer Safrali S. Cabili said the Single Entry Approach Desk Officer (SEADO) Annie Raidah Mua received the complaint from kasambahay Thelma Abioda on 12 January 2023 and immediately scheduled a conciliation-mediation conference between the worker and her employer.  The settlement was reached on January 17.

Cabili said that both parties were apprised of the importance of observing labor standards.

Abioda was a kasambahay and caretaker of a boarding house in the city for almost 40 years. However, due to health problems, she resigned.

During the conference, the new caretaker of the said boarding house, on behalf of the owner, offered PhP 30,000 to Abioda, who accordingly accepted and acknowledged the offer as a full settlement of payment of the 13th-month pay and financial assistance.

“Dako ang natabang sa ako ang DOLE kay nabayaran ko sa akong employer ug nalipay ko sa ilang serbisyo kay nalinawan ko ug engsakto sa tanan nakong mga pangutana. Akong pasalamat kay Mam Annie ug kang Atty. Safrali sa paspas kaayo nila nga serbisyo. Daghang Salamat.”

[DOLE helped me a lot because my employer paid me right away and I am very satisfied with their services. They were able to answer all my questions correctly. I am very grateful to ma’am Annie and to Atty. Safrali for their very fast services. Thank you very much.] END/DOLE-X

=================================================

Isyu sa trabaho ng kasambahay, naayos sa pamamagitan ng SENA

Isang kasambahay sa Iligan City ang nakakuha ng P30,000 katumbas ng hindi nabayarang 13-month pay ng kanyang amo matapos ang pag-uusap sa pamamagitan ng programang Single-Entry Approach (SEnA) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang SEnA ay isang administratibong pamamaraan na nagbibigay ng mabilis, walang kinikilingan, at hindi magastos na paraan sa pag-aareglo ng mga isyu o reklamo na nagmumula sa relasyon ng employer at manggagawa upang maiwasang maging ganap na kaso. Sa ilalim ng pamamaraang ito, ang lahat ng usapin sa paggawa at trabaho ay sumasailalim sa 30-araw na mandatory na prosesong conciliation-mediation upang maayos ang di-pagkakaunawaan ng mga partido.

Ayon kay DOLE-X Lanao del Norte Field Office OIC-Chief Atty. Safrali S. Cabili, tinanggap ni Single Entry Approach Desk Officer (SEADO) Annie Raidah Mua ang reklamo mula sa kasambahay na si Thelma Abioda noong Enero 12, 2023 at agad siyang nagtakda ng conciliation-mediation conference sa pagitan ni Abioda at ng kanyang amo at nagkaroon agad ng kasunduan noong Enero 17.

Sinabi ni Cabili na pinagbigay-alam niya sa magkabilang panig ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas-paggawa.

Si Abioda ay isang kasambahay at tagapag-bantay ng isang paupahang bahay sa lungsod sa loob ng halos 40 taon. Gayunpaman, siya ay nagbitiw dahil sa kanyang problema sa kalusugan.

Sa ginanap na pagpupulong, ang bagong tagapag-bantay ng paupahang bahay, sa ngalan ng may-ari, ay nag-alok ng P30,000 kay Abioda, na kanyang tinanggap bilang kabayaran sa kanyang 13th month-pay at tulong-pinansiyal at ganap na pagsasaayos ng kanilang usapin.

“Dako ang natabang sa ako ang DOLE kay nabayaran ko sa akong employer ug nalipay ko sa ilang serbisyo kay nalinawan ko ug engsakto sa tanan nakong mga pangutana. Akong pasalamat kay Mam Annie ug kang Atty. Safrali sa paspas kaayo nila nga serbisyo. Daghang Salamat.”

[Malaki ang naitulong sa akin ng DOLE dahil agad akong nabayaran ng aking amo at lubos akong nakuntento sa kanilang serbisyo. Nasagot nila ng tama ang lahat ng aking katanungan. Malaki ang pasasalamat ko kay Mam Annie at kay Atty. Safrali para sa kanilang napakabilis na serbisyo. Maraming salamat.] END/ DOLE-X/ gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3