News Release
Department of Labor and Employment
April 9, 2022
Kakanin seller doubles income, thanks to DOLE
Thanks to an intervention made by the labor department, a kakanin seller in Zamboanga del Norte managed to double her daily income.
Marivic Dagpin, a kakanin seller from Barangay Dansalan in Labason, Zamboanga del Norte, received a food processing Kabuhayan Starter Kit (KSK) in June of last year. Since then, Marivic managed to increase her daily income by 100% as the food processing kit she received allows her to produce more.
Prior to receiving from DOLE an electric rice grinder and a large stainless steamer, Dagpin was only earning about Php5,000 a month.
“Hinay pa kay gamay pa ang himan (I don’t have much sales since I can only produce a few products at a time.),” she shared.
But as she is now able to produce more of the budbud and puto that she sells for Php5 each, Marivic has managed to double her income. “Mas daghan na akong magama kay mas daghan ang masulod sa steamer (I can produce more this time because the steamer can accommodate more),” she said.
As she is now able to produce more of her kakanin, Marivic also managed to partner with a retailer who has included her kakanin in her menu of delicacies, enabling her to increase her income particularly on special occasions such as fiestas and other religious festivities.
Apart from residents of Labason town, her regular customers include residents from neighboring towns such as Liloy and Gutalac. Her products are also being sold as pasalubong for travellers in Dipolog City, Pagadian City and Zamboanga City.
To further expand her kakanin business, Marivic has also started producing new items such as bibingka and hopes to obtain an oven for this new venture. ###
=================================================
Tindera ng kakanin dumoble ang kita, nagpasalamat sa DOLE
Dahil sa tulong ng Labor Department, isang tindera ng kakanin sa Zamboanga del Norte ang nagawang doblehin ang kanyang arawang kita.
Noong Hunyo ng nakaraang taon, nakatanggap si Marivic Dagpin, isang tindera ng kakanin mula sa Barangay Dansalan sa Labason, Zamboanga del Norte, ng food processing Kabuhayang Starter Kit (KSK). Mula noon, nadagdagan ng 100 porsiyento ang pang araw-araw na kita ni Marivic. Dahil sa tulong ng processing kit, nakagawa siya ng mas maraming produkto.
Bago niya natanggap ang electric rice grinder at isang malaking stainless steamer, kumikita lamang si Marivic ng humigit-kumulang na Php5,000 kada buwan.
“Hinay pa kay gamay pa ang himan (Wala akong masyadong benta dahil konti lang ang nagagawa kong produkto),” pagbabahagi niya.
Dahil nakakagawa na siya ngayon ng mas maraming budbud at puto na ibinebenta niya sa halangang Php5 bawat isa, nagawang doblehin ni Marivic ang kanyang kita. “Mas daghan na akong magama kay mas marami ang mapasok sa steamer (Mas marami na akong nagagawa dahil mas marami na akong nailalagay sa steamer),” pahayag niya.
Dahil mas marami na siyang nagagawang kakanin, nakipagsosyo si Marivic sa isang retailer para isama ang kanyang kakanin sa menu ng mga delicacies nito. Ito ay nagbigay-daan sa kanya upang madagdagan ang kanyang kita lalo na sa mga espesyal na okasyon tulad ng mga pista at iba pang pagdiriwang ng relihiyon.
Bukod sa mga residente ng bayan ng Labason, ang kanyang mga regular na kostumer ay kinabibilangan ng mga residente mula sa mga karatig-bayan tulad ng Liloy at Gutalac. Ang kanyang mga produkto ay ibinebenta rin bilang pasalubong para sa mga biyahero mula sa Dipolog City, Pagadian City at Zamboanga City.
Para mas mapalawak ang kanyang negosyong kakanin, nagsimulang gumawa si Marivic ng mga bagong produkto tulad ng bibingka at umaasa rin siya na makakuha ng oven para sa mga bago niyang produkto. ###