Mas magiging mabilis at madali na para sa mga estudyante na maghanap ng oportunidad sa trabaho kapag nag-umpisa nang maglagay ng Job Search Kiosk ang Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE) sa mga campus ng malalaking unibersidad sa Metro Manila, ayon kay Kalihim Silvestre H. Bello III.

Ang unang benepisaryo ng kiosk ay mga estudyante mula sa Far Eastern University (FEU) at ng University of Santo Tomas (UST).

“Magtatalaga ang DOLE ng job search kiosk upang tulungan ang mga estudyante na maghanap ng mga naaayong impormasyon ukol sa mga bakanteng trabaho at iba pang naayong oportunidad,” ayon kay Bello.

Ang Job Search Kiosk ay isang information portal na parang ATM at stand-alone labor market information system na kayang magsagawa ng employment facilitation tulad ng job search at skills matching facility.

Ito ay nagsisilbing virtual jobs fair site na regular na magbibigay ng impormasyon sa mga oportunidad sa trabaho sa merkado ng paggawa. Ang pagtatalaga ng JSK ay isa sa mga istratehiya ng DOLE upang matugunan ang suliranin sa unemployment at job mismatch.

Nagpahayag ng suporta sina FEU President Michael Alba at UST Rector Fr. Herminio Dagohoy sa pagtataguyod ng JSK bilang mabisang paraan para sa developmental career program ng mga estudyante at alumni.

Nangako din ang Guidance Counseling-Career Service ng parehong unibersidad na bibigyan at ihahanda ang kanilang mga estudyante para sa kanilang napiling kurso upang maiwasan ang job mismatch at unemployment.

END/ADV/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry