News Release
Department of Labor and Employment
February 9, 2020

Inspection of alien-employing firms resumes

Despite the scare brought about by the dreaded nCoV, the labor department has resumed its special inspection of alien-employing establishments by deploying anew over 300 labor inspectors in key areas to inspect and verify the legitimacy of employment of foreign nationals.

In Administrative Order No. 46, Labor Secretary Silvestre Bello III sent out 323 Labor and Employment Officers (LEOs) to conduct verification inspection of establishments, including Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), across the country until June 30 this year.

The order was issued January 31.

The LEOs were joined by one regular labor inspector who serves as a team leader to supervise the conduct of verification inspection.

Bello also directed the regional directors to authorize the verification/inspection of identified establishments and workplaces.

In Luzon, 87 inspectors were dispatched in the National Capital Region, 11 in the Cordillera Administrative Region, 11 in the Ilocos region, 14 in the Cagayan Valley region, 37 in the Central Luzon region, 32 in CALABARZON, 12 in MIMAROPA, and 12 in the Bicol region.

Meanwhile, 11 LEOs will conduct the inspection in Western Visayas, 22 LEOs in Central Visayas, and 12 LEOs in Eastern Visayas.

In Mindanao, 12 labor inspectors were given authority to conduct verification inspection in the Zamboanga Peninsula region, 17 in the Northern Mindanao region, 12 in Davao region, 11 in SOCCSKSARGEN, and 10 in Caraga.

During the inspection, the LEOs will ascertain the legitimacy of the company as shown by the business permit and the Securities and Exchange Commission registration and verify the roster of local employees and the foreign national/s actually working at the time of inspection.

The inspectors will also check the list of Alien Employment Permit applicants if there are any, and the company representative should certify that they are indeed hiring the foreign nationals.

The labor inspectors shall submit a report to the DOLE regional director one day after the conduct of verification inspection.

In 2019, the LEOs were given authority to inspect establishments employing foreign nationals from October 31 to December 15.

END/aldm

===================================================================

Inspeksyon sa kumpanyang may foreign worker, kasado

Sa kabila ng takot na dala ng 2019 Novel Coronavirus, muling magsasagawa ng mga espesyal na inspeksyon sa mga establisimentong mayroong mga dayuhang manggagawa sa pamamagitan ng pagtatalaga ng higit 300 labor inspector upang matiyak ang pagiging lehitimo ng pagtatrabaho ng mga dayuhan.

Sa Administrative Order No. 46, nagpadala si Labor Secretary Silvestre Bello III ng 323 Labor and Employment Officers (LEO) upang magsagawa ng mga verification inspection sa mga establisimento, kabilang rito ang mga tinatawag na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), sa buong bansa hanggang sa Hunyo ng taong ito.

Inilabas ang kautusan nitong Enero 31.

Sasamahan ang mga LEO ng isang regular na labor inspector na magsisilbing team leader upang pamahalaan ang pagsasagawa ng naturang inspeksyon.

Inatasan rin ni Bello ang mga regional directors upang bigyang pahintulot ang pagsasagawa ng mga verification/inspection sa mga napiling establisimento.

Sa Luzon, 87 inspektor ang ipapadala sa National Capital Region, 11 sa Cordillera Administrative Region, 11 sa Ilocos region, 14 sa Cagayan Valley region, 37 sa Central Luzon region, 32 sa CALABARZON, 12 sa MIMAROPA, at 12 sa Bicol region.

Samantala, 11 LEO ang magsasagawa ng inspeksyon sa Western Visayas, 22 LEO sa Central Visayas, at 12 LEO sa Eastern Visayas.

Sa Mindanao, 12 labor inspector ang binigyang pahintulot upang magsagawa ng verification inspection sa Zamboanga Peninsula region, 17 sa Northern Mindanao region, 12 sa Davao region, 11 sa SOCCSKSARGEN, at 10 sa Caraga.

Sa tuwing magsasagawa ng inspeksyon, titiyakin ng mga LEO ang pagiging lehitimo ng kumpanya sa pamamagitan ng business permit at ng Securities and Exchange Commission registration at sisilipin ang hanay ng kanilang mga lokal na empleyado at mga dayuhan na nagtatrabaho sa oras ng inspeksyon.

Susuriin rin ng mga inspector ang listahan ng mga aplikante para sa Alien Employment Permit kung meron at titiyakin naman ng company representative na sila ay tumatanggap ng mga dayuhang manggagawa.

Magsusumite naman ng ulat ang mga labor inspector sa DOLE regional director isang araw matapos ang pagsasagawa ng verification inspection.

Noong 2019, binigyang pahintulot ang mga LEO na magsagawa ng mga inspeksyon sa mga establisimento na tumatanggap ng mga dayuhan mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 15.

END/aldm/Paul Ang

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1