News Release
Department of Labor and Employment
August 8, 2021

Incentives await OFWs in HK for COVID jabs

Aside from the privilege of choosing the brand of anti-Covid vaccine, Filipino workers in Hong Kong also have the chance of getting cash and other incentives once they get inoculated, the Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Hong Kong reported on Friday.

In a virtual briefing, Labor Attaché Melchor Dizon also said the HK government is set to lift its travel ban on the Philippines tomorrow, August 9, that would allow more than 3,000 stranded OFWs to fly to the former British colony.

“We encourage our fellow Filipinos here in Hong Kong and those stranded in the Philippines to have themselves vaccinated against COVID-19. Otherwise, you will not be allowed entry into Hong Kong. This is also for your protection,” Dizon said.

He noted that of about 220,000 OFWs in HK, only less than 50 percent had availed the vaccine of their choice even as the government has drawn incentive package for those who got inoculated.

“Marami pong bakuna dito, at pwede pong mamili kung ano ang gusto nyong ibakuna sa inyo. Mayroon din pong incentive sa mga magpapabakuna, kasama ang ating mga OFWs,” Dizon said.

He said the Hong Kong government is giving cash incentives to migrant workers, and house and car for residents who get vaccinated.

Dizon said that the POLO has validated 1,000 vaccination cards of returning OFWs who have been fully inoculated in Hong Kong since last month.

Under Department Order No. 226, series of 2021, POLOs are required to validate the authenticity of a COVID-19 vaccination card or document of an OFW from the host country.

Dizon said the number of OFWs who will be allowed to travel to Hong Kong could exceed those stranded during the travel ban as the POLO continued to process job orders to the region.

He also said authorities require a 14-day quarantine even for fully vaccinated workers upon arrival in the territory. END/aldm

========================================

OFW sa HK na nagpabakuna kontra-Covid, tatanggap ng insentibo

Bukod sa pribilehiyo na pumili ng brand ng bakuna kontra-Covid, ang mga manggagawang Pilipino sa Hong Kong ay maaari ring makatanggap ng cash at iba pang mga insentibo sa sandaling mabakunahan sila, ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong nitong Biyernes.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni Labor Attaché Melchor Dizon na nakatakda na ring alisin ng pamahalaang HK ang travel ban sa Pilipinas ngayong Agosto 9, kung saan papayagan nang makapasok ng HK ang mahigit 3,000 stranded na OFW.

“Aming hinihikayat ang ating kapwa Pilipino dito sa Hong Kong at iyong mga na-stranded sa Pilipinas na magpabakuna kontra-Covid 19. Kung hindi, hindi sila papayagang makapasok sa Hong Kong.  Ito rin ay para sa inyong proteksiyon,” pahayag ni Dizon.

Nabanggit niya na sa mahigit 220,000 OFW sa Hong Kong, mas mababa sa 50 porsiyento lamang ang nagpabakuna sa brand na kanilang napili kahit pa nagbigay ng incentive package ang pamahalaan para sa mga nagpabakuna.

“Marami pong bakuna dito, at pwede pong mamili kung ano ang gusto nyong ibakuna sa inyo. Mayroon din pong incentive sa mga magpapabakuna, kasama ang ating mga OFWs,” pahayag ni Dizon.

Sinabi niya na ang pamahalaan ng Hong Kong ay nagbibigay ng cash incentive sa mga migranteng manggagawa, at bahay at kotse para sa mga residente na nabakunahan.

Sinabi ni Dizon na 1,000 vaccination card ng mga bumalik na OFW na ganap na nabakunahan sa Hong Kong ang kinumpirma ng Hong Kong simula ng nakaraang buwan.

Sa ilalim ng Department Order No. 226, series of 2021, kinakailangang kumpirmahin ng POLO ang COVID-19 vaccination card o dokumento ng OFW mula sa host country.

Sinabi ni Dizon na ang bilang ng mga OFW na pinapayagang bumiyahe sa Hong Kong ay maaaring lumampas sa bilang ng mga na-stranded dahil sa travel ban habang patuloy ang POLO sa pag-proseso ng job order sa rehiyon.

Kanya ring sinabi na ipinatutupad ng mga awtoridad ang 14-araw na quarantine, kahit sa mga manggagawang may kumpletong bakuna, sa kanilang pagdating sa Hong Kong. END/aldm/ gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry