News Release
Department of Labor and Employment
1 July 2019

Holistic approach vs. child labor pushed

The labor department, together with its social partners, is pushing for a more inclusive and preventive interventions in eliminating child labor and its worst form.

Labor Secretary Silvestre Bello III, who led the annual observance of World Day Against Child Labor in Pasay City, emphasized the importance of providing inclusive assistance to child laborers and their families, specifically the provision of their basic needs, such as the right to quality education.

“Holistic approach must be sustained to further reduce the cases of child labor that rooted from complex social factors. Inclusive and necessary assistance to child laborers must be provided including livelihood for their parents and quality education for the children,” Bello said.

The labor chief also reminded hundreds of students who attended the event to pursue their education that will help them land decent employment towards a successful life away from any abuse and exploitation.

“Education is the best vehicle to a brighter future. Pursue your education and that is the best anathema to child labor,” Bello said.

In January 2017, DOLE and the Department of Social Welfare and Development (DSWD)  together with other concerned agencies and organizations have teamed up in advocating for a child-labor free Philippines by launching convergence projects including the CARING Gold Project of the International Labor Organization and BanToxics, the Strategic Help Desks for Information, Education, Livelihood and other Developmental Interventions against Child Labor, and the Module on Child Labor for the Family Development Sessions of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Also, DOLE has so far profiled 85,582 child laborers in 16 regions of which 18,651 were referred to appropriate agencies for the provision of services and assistance needed by the children and their families.

Livelihood assistance in form of Negokart and starter kits are also provided to parents of child laborers to enable their families to start their livelihood as a preventive measure against child labor.

DOLE through its regional and field offices are also in the process of hiring community facilitators and enumerators to fast-track the profiling of target child laborers, specifically to the areas with high child labor incidence.

These initiatives are aligned with the Philippine Development Plan 2017-2022, which targets to reduce the cases of child labor by 30 percent or 630,000 from the estimated 2.1 million child laborers nationwide.

Abegail De Vega

=========================================

Holistic approach laban sa child labor, kampanya ng DOLE

Patuloy ang kampanya ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang mga social partner, para paigtingin ang pagpuksa sa child labor at iba pang uri nito.

Binigyang diin ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na nanguna sa taunang paggunita sa World Day Against Child Labor sa Pasay City, ang kahalagahan ng pagbibigay ng tulong sa mga child laborer at kanilang pamilya, higit lalo ang mabigyan sila ng tulong para sa kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng karapatan para sa maayos at de-kalidad na edukasyon.

“Ang holistic approach ay dapat panatilihin upang tuluyang maibaba ang kaso ng child labor na nagmula sa iba’t ibang kumplikadong bagay. Nararapat na tulong ang dapat ibigay sa mga child labores tulad ng pangkabuhayan para sa kanilang pamilya at maayos na kalidad ng edukasyon para sa kanilang mga anak,” wika ni Bello.

Nagpaalala rin ang kalihim sa daan-daang estudyante na dumalo sa nasabing aktibidad na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang magkaroon ng disenteng trabaho at magkaroon ng magandang kinabukasan na malayo sa pang-aabuso at eksploytasyon.

“Ang edukasyon ang pinakamabisang paraan tungo sa magandang kinabukasan. Ipagpatuloy lamang ninyo ang pag-aaral dahil ito rin ang mabisang sandata laban sa child labor,” dagdag ni Bello.

Noong Enero 2017, ang DOLE at Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang iba’t ibang ahensya at organisasyon ay nagkasundo para sa kampanya upang maging child-labor free ang Pilipinas sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga proyekto tulad ng CARING Gold Project ng International Labor Organization at BanToxics, ang ‘Strategic Help Desks for Information, Education, Livelihood and other Developmental Interventions against Child Labor,’ at ang modyul sa ‘Child Labor for the Family Development Sessions of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program.’

Dagdag pa rito, aabot na rin sa 85,582 child laborer sa 16 na rehiyon ang na-profile ng DOLE at 18,651 rito ang naisangguni na sa nararapat na ahensya upang mabigyan ng kinakailangang tulong at serbisyo ang mga kabataan at kanilang pamilya.

Binigyan rin ang mga magulang ng mga child laborer ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng Negokart at starter kit upang makapagsimula ang kanilang mga pamilya ng maliit na negosyo na isa sa pamamaraan upang mapuksa ang child labor.

Nasa proseso na rin ang DOLE, sa pamamagitan ng mga regional at field offices ng pagtanggap sa mga community facilitator at enumerator upang mapabilis ang profiling ng mga child laborer, higit lalo sa mga lugar na mayroong mataas na insidente ng child labor.

Ang mga inisyatibong ito ay tugma sa Philippine Development Plan 2017-2022, na naglalayong maibaba ang mga kaso ng child labor sa 30 porsiyento o 630,000 mula sa tinatayang 2.1 milyong child laborer sa buong bansa.

###Abegail De Vega/ Paul Ang

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11